Lolo na iniwanan ng kaniyang pamilya, tinulungan ng ilang mga rider dahil sa mahirap niyang sitwasyon!



Si Tatay Venerando ay nasa edad 80 taong gulang na. Naninirahan siya sa isang barong-barong sa Brgy. Dancalan sa Bobon, Northern Samar. Inabandona na siya ng kaniyang pamilya maraming taon na ang nakakalipas.



Sa kaniyang edad ay hindi na rin niya alam kung paano pa niya maaayos ang kaniyang sira-sirang tahanan. Nanghihingi na lamang siya ng mga napaglumaang karton o basurahan sa malapit na construction site sa kaniyang tahanan.


Wala ring natatanggap na ano mang suporta ang matanda sa kaniyang pamilya kung kaya naman napakahirap talaga ng kaniyang kalagayan. Nabalitaan naman ng ilang mga rider ang mahirap na sitwasyon ng matanda kung kaya naman hindi sila nagdalawang-isip na tulungan ito.




“For two years na siyang pinabayaan ng pamilya niya. Mga butas-butas na yung bubong tapos yung mga yero na ginamit para sa walling ay galing lang sa mga sobra-sobra yung haligi maliliit din, so possible sira agad,” pahayag ni Dennis Carolino na siyang nagpost ng kwento ng matanda sa social media.


Dalawang grupo ng mga riders ang tumulong sa matanda, ang Sniper Club 150i at ang JHS riders club. Inilunsad nila ang “Munting Pabahay” para sa pagkakaroon ng maayos na masisilungan ni Tatay Venerando.




Sila na mismo ang nagtulungan upang maitayo ang bagong tahanan ng matanda. Walong oras na walang pahinga umaraw man o umulan ang ginawa ng mga grupong ito upang tuluyan na nilang matapos ang bagong tahanan ni Tatay Venerando.

Nang matapos na ang bahay ay binigyan din ng mga rider ng bigas, noodles, mga de-lata, at ilan pang pagkain ang matanda. Tunay nga na napakagandang regalo nito para kay Tatay Venerando na nasa dapit-hapon na ng kaniyang buhay.




Sadyang napakabuti ng kalooban at intensyon ng mga riders na ito upang matulungan at mabigyan ng komportableng tirahan ang matanda. Hanggang sa ngayon ay mayroon pa ring mga taong nagmamalasakit sa kanilang kapwa sa kabila ng kahirapan at mga pagsubok na pinagdaraanan natin sa araw-araw.



error: Content is protected !!