53-anyos na matanda inaresto at kinulong dahil sa pagnanakaw ng dalawang lata ng “luncheon meat”!



Napakahirap ng naging sitwasyon ng maraming mga Pilipino nang nagdaang mga buwan dahil sa pandemyang COVID-19 ay madaming mga pamilya ang nawalan ng maayos na pagkakakitaan. Ang mga manggagawang Pilipino na umaasa lamang sa kanilang mga trabaho at ilang mga maliit na negosyong kinailangang magsara upang hindi na tuluyan pang kumalat ang nakakahawang sakit na COVID-19.



Sa kasamaang palad, dahil na rin sa halos tatlong buwang pagtitiis, gutom, at pagsasakripisyo ay mayroong ilang mga tao ang wala nang iba pang naisip na paraan kung hindi ang magnakaw upang malagyan lamang ng laman ang kumakalam nilang sikmura. Tulad na lamang ng isang tricycle driver na ito na 53 taong gulang na.


Inaresto siya kamakailan lamang dahil sa pagnanakaw ng dalawang lata ng “luncheon meat” sa isang grocery store. Nahuli kasi siya ng security guard ng nasabing establisyemento.



Nagmamakaawa naman ang matanda na sa ngayon ay nakakulong dahil sa kaso ng pagnanakaw nito lamang Biyernes ng gabi. Ang halaga ng nanakaw niyang de lata ay Php381.



Sa naging panayam sa kaniya ng TV Patrol ay nagawa lamang daw niya ito dahil sa sobrang hirap ng buhay. Ninais lamang din niyang kahit sa paraan lamang na iyon ay mapakain niya ng ganoong klaseng ulam ang kaniyang mga anak.



Ayon naman sa mga otoridad, kahit pa sa gitna ng pandemya ay patuloy pa ring tumataas ang bilang ng mga ganitong klase ng krimen dahil sa mas naitatago na ang mga mukha ngayon ng mga salarin kumpara noon. Hati naman ang opinyon ng publiko patungkol dito.

Mayroong nga netizens ang nagsasabing maliit man o malaki ay kasalanan pa rin sa batas ang pagnanakaw. Mayroon din namang ilang mga netizens ang nagpahayag ng kanilang opinyon patungkol sa sinapit ng matandang ito na nagnanais lamang na mapakain ng maayos ang kaniyang mga anak kahit pa sa pamamagitan ng hindi magandang bagay na ito tulad ng pagnanakaw.



error: Content is protected !!