Larawan ng isang babaeng kamukhang-kamukha ng pumanaw na si Jang Lucero viral ngayon dahil sa pagsilip nito sa kabaong ni Jang!



Maraming mga nangyayaring kababalaghan sa ating kapaligiran sa araw-araw. Ilan sa mga ito ay nasasaksihan natin ng personal habang ang ilan naman ay nababalitaan natin mula sa social media, telebisyon, or radyo.



Kamakailan lamang ay napukaw ang atensyon ng publiko sa masalimuot na kinahinatnan ng isang magandang babae matapos itong matagpuang wala nang buhay sa loob ng kaniyang sasakyan. Maraming mga netizens ang nag-abot ng kanilang pakikiramay sa mga naulila at pamilya ni Jang Lucero na nagtatrabaho bilang isang Grab driver mula nang maipatupad ang “enhanced community quarantine” sa maraming mga lugar sa bansa matapos niyang mawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Ngunit sinong mag-aakala na tila mayroong isang babaeng kamukhang-kamukha nito na dadalaw pa sa libing ni Jang at sisilip sa kabaong nito? Isang netizen ang nagbahagi ng larawan ng babaeng ito na talaga namang nagdulot ng kilabot at palaisipan sa maraming mga tao.



Nakasuot kasi ng sumbrero ang babae at naka-mask ngunit talagang kapansin-pansin ang labis na pagkakamukha nito sa pumanaw na babae. Ang netizen ay nakilala sa kaniyang profile name na “Nangan”.



Ayon sa ilang mga ulat, kilala ni Jang at nang nobya nitong si Meyah Amatorio ang mga salarin sa karumal-dumal na krimen. Pinangalanan pa nga bilang “Althea” ang isa sa mga ito.

Ayon sa mga otoridad, kung hindi susuko ng kusa ang mga salarin ay mapipilitan silang arestuhin at hulihin sila. Tunay nga na napakasakit at biglaan ang nangyaring ito.



Isang buhay ang nasayang dahil lamang sa mga taong walang puso at walang kaluluwa na basta-basta na lamang kumikitil ng buhay ng ibang tao. Kung kaya naman sana ay magsilbi itong aral para sa maraming mga Pilipino na mas maging maingat lalo na sa mga panahong ito na maaaring mayroon pa rin tayong pandemyang kinakaharap at nilalabanan ngunit mas mahirap ding maging kalaban ang mga taong nagdudulot ng hindi maganda sa kanilang kapwa.



error: Content is protected !!