Mga larawan ni Jang Lucero sa social media bago ito paslangin, viral!



Maraming mga netizens ang talagang nabigla at nalungkot sa hindi inaasahang trahedya na nangyari sa buhay ng isang babaeng nagngangalang Jang Lucero. Kamakailan lamang ay natagpuan ang kaniyang malamig at wala nang buhay na bangkay sa loob ng kaniyang sasakyan sa Calamba, Laguna.


Nagtatrabaho siya bilang isang part-time driver nang mangyari ang kalunos-lunos na insidenteng ito. Bagamat nawalan siya ng trabaho dahil sa pandemyang COVID-19 at dahil na rin sa implementasyon ng “community quarantine” ay talagang nagsumikap pa rin siyang kumita ng pera sa pamamagitan ng isang disenteng trabaho.




Matapos maisapubliko ang hindi magandang sinapit nito ay maraming mga netizens ang nakapansin sa mga masasayang larawan na ibinahagi nito sa kaniyang social media account. Ilan sa mga ito ay mga masasayang larawan habang kumakain siya sa isang sikat na restawran, ilan sa kaniyang mga biyahe o bakasyon, pag-eehersisyo sa gym at masayang mga sandali kasama ang kaniyang mga mahal sa buhay at mga kaibigan.


Ibinunyag ng nobya ni Jang na si Meyah Amatorio na bago pa man siya matagpuang wala nang buhay sa loob ng kaniyang sasakyan ay sinabihan siya nitong mayroon siyang ihahatid na tatlong pasahero mula sa Laguna patungong Gil Puyat sa Maynila. Nang nagkaroon siya ng masamang kutob dahil sa hindi na niya makontak pa si Jang sa cellphone nito makalipas ang ilang oras ay humingi na si Meyah ng tulong sa mga pulis.



Sinabi din niya sa otoridad na wala siyang alam o kilalang nakaaway o nakaalitan ni Jang nang mga nagdaang buwan o linggo. Ayon naman sa mga pulisya ay nakilala na nila ang mga hinihinalang suspek ng naturang kaso.


Si alyas Althea ang diumano ay “mastermind” sa karumal-dumal na krimeng ito. Mayroon ding CCTV footage na kumakalat ngayon sa social media kung saan makikitang naisakay nga ni Jang ang mga pasaherong ito.



Naging malaking tulong sa mga otoridad ang video na ito sa paghuli sa mga hinihinalang suspek.




error: Content is protected !!