OFW, napagawan na ng bahay ang kaniyang mga magulang at ngayon ay nagpapagawa naman ng sarili niyang bahay!



Hindi madali ang mga sakripisyo at paghihirap ng mga kababayan nating Overseas Filipino Workers o OFWs. Matapang kasi nilang hinaharap ang ibang kultura, ibang pamumuhay at ibang pag-uugali ng mga tao sa bansang kanilang pinagtatrabahuhan.


Sa kabila ng matinding pagod, pangungulila, kalungkutan at pag-iisa ay patuloy pa rin silang lumalaban sa buhay. Nakakalungkot lamang na madalas ay mayroong iilan sa atin ang hindi sila nabibigyan ng tamang pagpapahalaga at pagkilala dahil sa madalas ay naaalala lamang natin sila sa panahong bayaran na ng mga bills o di kaya naman ay kailangan na natin ng perang panggastos.



Sa kabila ng mga malulungkot na pangyayaring ito ay mayroon pa rin namang mga kwento ng mga OFW na talagang nakakamangha at nagsisilbing inspirasyon para sa atin. Tulad na lamang ni Bai Ashely Abdul na isang OFW sa Saudi.

Naibahagi niya kasi sa kaniyang social media post ang naging bunga ng kaniyang paghihirap sa ibang bansa. Naipagawa na niya nang tahanan ang kaniyang mga magulang at pagkatapos nito ay sarili naman niyang bahay ang kaniyang pinapatayo na nahinto lamang dahil sa COVID-19.



Bukod pa rito ay napagtapos na rin daw niya ang isa niyang kapatid sa kursong “Criminology” kasabay ng pagsuporta at pagpapaaral niya rin sa kaniyang anak. “Single mom” siya ngunit hindi ito naging hadlang upang sumuko siya sa buhay.

Sa ngayon ay mayroon na din siyang nabili na dalawang baka na nagkaroon na ng dalawang anak. Ang isa sa mga ito ay ibinigay niya sa nag-aalaga ng kaniyang mga baka.


Tunay nga na nakakamanghang malaman na ang pera na kaniyang pinaghihirapan ay napupunta sa maraming magaganda at kapaki-pakinabang na bagay. Maraming mga netizens ang talaga namang natuwa sa napakagandang kwento ng OFW na ito.

Siya ay nagsilbing bilang inspirasyon sa maraming mga OFW at maging sa bawat pamilyang Pilipino na mayroong kamag-anak na OFW.






error: Content is protected !!