Awra Briguela hinangaan ng maraming mga netizens dahil sa naipundar nitong mansyon sa Las Piñas!



Sa edad na 17 taong gulang ay talaga namang malayo na ang narating ni Awra Briguela dahil sa kaniyang pagsusumikap sa buhay ay nagawa niyang makaipon at makapagpundar ng isang napakagandang bahay. Una nang nakilala si Awra bilang si “Mak Mak” sa sikat na programa ng ABS-CBN na “FPJ’s: Ang Probinsiyano”.


Ayon pa sa ilang mga ulat, personal na pinili ng direktor at bidang aktor na si Coco Martin ang batang si Awra para sa naturang karakter. Nakilala din bilang isang sikat na personalidad sa “social media” si Awra at naitampok din ang kaniyang buhay sa “Maalala Mo Kaya” noong taong 2016.




Isang taon ang nakalipas at tinanghal naman siyang grand winner ng “Your Face Sounds Familiar” kung saan gumagaya siya ng maraming mga sikat na Filipino at international celebrity. Sa murang edad ay hindi na naging lihim pa ang kaniyang tunay na pagkatao sa publiko, sa edad na 3 taong gulang ay “openly gay” na ito.


Tagahanga rin siya ng ilang mga sikat na aktres tulad na laman nina Sarah Geronimo, Sarah Lahbati at Maja Salvador. Kamakailan lamang ay pinasilip nito sa publiko ang kaniyang magarang tahanan nang ibahagi niya sa kaniyang social media account ang ilang mga larawan ng kaniyang eleganteng bahay.





Talaga namang napakaganda, napakaaliwalas at napakalinis ng “living room, “dining room”, kusina, banyo at kwarto ng kaniyang tahanan. Talaga namang mapapa-wow ka sa modernong disenyo at tema ng elegante niyang mansyon.




Tunay nga na kung mayroong kang pangarap sa buhay at naging determinado kang makamit ito hindi lamang para sa iyong sariling tagumpay kung hindi para na rin sa tagumpay ng iyong mga mahal sa buhay. Sadyang napakasarap talaga na makamtan ang iyong mga pangarap lalo na kung pinaghirapan mo ang mga ito.




Kung kaya naman nararapat lamang na mas magsumikap tayo sa buhay kung gusto talaga nating makamtan ang lahat ng ating mga ninanais makamtam sa buhay.






error: Content is protected !!