Robin Padilla katuwang ang kaniyang pamilyang gumawa ng kanilang “green house” sa loob mismo ng kanilang tahanan!



Si Robinhood Ferdinand Cariño Padilla ay mas nakilala ng publiko bilang si Robin Padilla. Siya ay 50 taong gulang na aktor, screenwriter, producer at direktor.


Binansagan din siyang “Bad boy” ng pelikulang Pilipino dahil sa kaniyang mga nakakamanghang action movies. Malaban dito ay hinahangaan din ng publiko ang kaniyang pagiging marespeto sa mga kababaihan.




Kung kaya naman hindi na nakapagtatakang napakapalad ng aktres at host na si Mariel Rodriguez-Padilla dahil sa siya ang kabiyak sa buhay ng aktor. Kamakailan nga lamang ay talaga namang hinangaan ng publiko ang mag-asawang ito dahil sa pamumuhay nila ng simple kasama ang dalawa nilang mga anak na sina Isabella at Gabriella.


Isa nga sa pinakabagong balita sa kanilang pamilya ay ang pagtutulungan nilang makagawa ng sarili nilang hardin sa loob mismo ng kanilang tahanan. Sa kanilang balkonahe ay nagtayo ng munting hardin si Robin kung saan makikita rin sa viral video na siya pa mismo ang naglalagare ng mga kahoy na kanilang ginamit.





Habang ang kaniyang mag-ina naman na sina Mariel at Isabella ang siyang naging abala sa pag-aayos ng kanilang mga paso, lupa at mga halaman. Ilan sa mga halaman ng pamilya ay “lime”, siling labuyo” at okra. Talaga namang masayang masaya ang aktor na si Robin Padilla sa kinalabasan ng kanilang proyekto.




Tunay nga na napakasaya at napakasimple ng kanilang pamilya. Sinong mag-aakala na maaari ring makagawa ng isang maayos at magandang “green house” sa loob mismo ng iyong tahanan?



Sa panahon natin ngayon na maraming mga bagay na ang nakukuha natin nang madalian o sa pamamagitan lamang ng mga bagay na hindi natin talaga pinaghihirapan, nakakatuwa pa ring malaman na kahit mga sikat na personalidad sa ngayon ay nagsisilbing napakagandang inspirasyon upang mas magsumikap tayo sa buhay at upang mas pahalagahan natin ang maraming mga bagay na tinatangkilik natin sa araw-araw.






error: Content is protected !!