Video ng mga batang lumalangoy kasama ang isang buwaya usap-usapan ngayon sa social media!



Kamakailan lamang ay talagang naging usap-usapan ng maraming mga netizens ang viral video na ito ng mga kabataan na masayang nagtatampisaw sa tubig na mayroong kasamang buwaya! Marami sa atin ang takot sa hayop na ito dahil sa kilala itong “predator” at “carnivorous”.



Mahilig ito sa sariwang karne at talaga namang isa ito sa pinaka-agresibong hayop na talaga namang napatunayan na ng maraming mga Pilipino base sa kanilang mga naging karanasan sa mga buwaya. Ngunit talaga namang nakakabiglang malaman na tila hindi alintana ng mga bata ang panganib na dulot ng kanilang pagtatampisaw kasama ang buwaya na ito.


Maging ang naturang buwaya ay tila sanya na sanay na rin sa presensiya ng mga kabataang ito sa kaniyang teritoryo. Maaaring hindi pa ganoon kalaki ang buwaya na ito kumpara sa iba pang mga malalaki at nakakatakot na hayop ngunit makakaya na nitong saktan ang sino man dahil sa pambihirang lakas ng kaniyang mga ngipin at sa kaniyang pambihirang bilis.


Ngunit lingid sa kaalaman ng marami ay hindi na pala totoong buhay ang buwaya na ito dahil sa isa ito sa mga nahuling hayop ng kanilang ama. Kung kaya naman makikita rin sa viral video na tila tinutulak at pinapagalaw ng iba pang mga bata ang patay nang buwaya.


Ang naturang video ay maaaring kuha diumano sa Sabag, Malaysia. Nagpaalala din naman ang taong kumukuha ng video na huwag na huwag susubukang makipaglaro sa buwaya lalo na kung buhay pa ito dahil sadyang napakapanganib nito lalo na sa mga kabataan.



Tunay nga na nakakalungkot malaman na hanggang sa ngayon ay mayroon pa ring mga tao na patuloy na nanghuhuli at kumikitil ng mga buhay ng ilang mga hayop tulad na lamang ng buwayang ito. Maaaring mayroon siyang personal at mas katanggap-tanggap na dahilan ngunit dapat din nating isipin ang pangmatagalang epekto ng ganitong gawain sa ating mga hayop at maging sa ating kapaligiran.




error: Content is protected !!