Bagong kasal namahagi ng mga PPE at groceries pagkatapos ng kanilang kasal kaysa magdaos ng enggrandeng selebrasyon



Marami talaga ang naapektuhan ng pandemyang naranasan ng maraming mga bansa sa iba’t-ibang panig ng mundo. Hindi lamang malalaki at maliliit na mga negosyo, mga negosyante at empleyado ang nakaranas ng matinding hagupit ng pandemyang ito dahil kahit mga ordinaryong mamamayan ay labis ding naapektuhan.



Ang dating simple at komportableng pamumuhay ay mas naging nakakatakot at nakakabahala dahil sa patuloy na paglobo ng taong nagpopositibo sa naturang karamdaman. Kahit nga ang mga magkasintahang nais magpakasal ay hindi rin nakaligtas sa epekto ng COVID-19 sa bansa.

Maraming mga nagplano ng kanilang kasal ang nauwi na lamang sa simpleng seremonya at hindi na naituloy pa ang kanilang pinapangarap na kasalan. Ngunit sa kabila nito ay mayroon pa ring mga bagong kasal na mas minabuting gumawa ng mas magagandang bagay upang ipagdiwang ang yugto na ito ng kanilang buhay.




Tulad na lamang nina Harlene at Wilbert Silverio na talaga namang nagpahanga sa maraming mga netizens. Sa halip kasi na magkaroon sila ng magarbong handaan para sa kanilang “wedding reception” ay mas minabuti na lamang nila na mamigay ng ilang mga groceries at PPEs para sa mga taong mas nangangailangan.



Ikinasal ang dalawa nppng ika-18 ng Hunyo, 2020 sa Victory Church sa Sta. Maria, Bulacan. Dahil sa ipinagbabawal pa rin ang pagtitipon-tipon ng maraming mga tao sa iisang lugar ay walong mga tao lamang ang naging saksi sa kanilang pag-iisang dibdib.

Nang matapos ang seremonya ng kanilang kasalan ay agad nang nagpamahagi ng mga “Personal Protective Equipment” at ilang mga grocery packs ang bagong kasal. Talaga namang umani ng maraming mga positibong komento mula sa mga netizens ang pagkakawang-gawa ng mag-asawang ito.

Ayon sa naging pahayag ni Wilbert nais lamang nilang bigyang parangal ang Diyos sa kanilang naging desisyon dahil sa naniniwala silang sa simpleng bagay na ito ay tiyak na magiging isang malaking tulong para sa mga taong maaabot ng munti nilang tulong. Nais din ng mag-asawang maging inspirasyon sa mas maraming mga tao na tumulong at mas maglasakit pa sa ibang tao lalo na sa mga panahong ito.




error: Content is protected !!