Isang 64-anyos na matanda naiyak na lamang sa EDSA dahil sa labis na gutom at hirap sa transportasyon!



Tunay nga na naging napakahirap ng mga lumipas na buwan para sa maraming mga Pilipino. Nagkasunod-sunod kasi ang mga sakuna, kalamidad, at pandemyang ating naranasan at patuloy pang dinaranas hanggang sa mga oras na ito.



Hindi madali ang ating mga pinagdaanan ngunit marami sa atin ang patuloy na umaasang darating din ang araw na magiging maayos din ang lahat. Kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng publiko ang isang matandang ito na namataan ng isang GMA reporter na si Jun Veneracion na umiiyak sa kahabaan ng EDSA.

Ang naturang matanda ay nakilala bilang si Rodrigo Baluyot, 64 na taong gulang. Ayon sa mga naunang ulat, isang miyembro ng PNP-Highway Patrol Group ang tumulong sa matandang dalhin ang kaniyang dala-dalang sako upang makatawid ito ng maayos sa isang footbridge sa EDSA.






Hindi na napigilan pa ni Tatay Rodrigo ang kaniyang sarili ng makarating sila sa dulo ng naturang footbridge dahil sa tumulo na nga ng mga luha nito. Ayon sa matanda ay gutom na gutom na siya ngunit wala naman siyang perang pambili ng makakain.


Ang matanda ay galing pa sa Bulacan at nagtungo sa Maynila upang tumuloy sa isa sa kaniyang mga kapatid. Mayroon namang nagmagandang-loob sa matanda at inabutan ito ng makakain. Ang pulis na si Roderick Pattalitan ng PNP-HPG ang tumulong sa kaniya upang dalhin ang kaniyang mga dalahin hanggang sa makasakay na siya patungo sa kaniyang destinasyon.





Sa ngayon ay talagang napakaraming mga Pilipino ang nakakaranas ng labis na pasakit sa pagbiyahe lalo na at hanggang sa ngayon ay limitado pa rin ang mga sasakyan na bumabiyahe para sa mga pasahero dahil pa rin sa banta ng COVID-19. Marahil ay mas magiging mabuti lamang ang ating sitwasyon lalo na kung magtutulong-tulong ang bawat Pilipinong sugpuin ang COVID-19 sa ating bansa.

Hindi lamang dapat sa pamahalaan o sa mga otoridad magsimula ang pagsugpo dito kung hindi sa bawat isa sa atin.




error: Content is protected !!