Jinkee Pacquiao namataang suot ang kaniyang mamahaling relo na nagkakahalaga ng Php16.3 milyong piso!



Si Jinkee Pacquiao ang isa sa pinakasikat na personalidad ngayon sa bansa. Isa siya sa pinakasinusubaybayan at pinakahinangaang socialite dahil sa dami ng kanilang mga magagarang ari-arian at mga mamahaling kolekyon.


Kamakailan lamang ay labis na hinangaan ng publiko ang suot suot niyang relo na isang Rolex Rainbow Daytona. Namataan si Jinkee suot ang mamahaling relo na ito noong Hunyo 25, 2020 nang nagtungo ang kaniyang pamilya sa mansyon nila sa General Santos City.



Nag-post din naman si Jinkee sa kaniyang social media account ng kaniyang larawan kung kaya mas napukaw ang atensyon ng publiko sa kaniyang napakagandang relo. Maraming mga netizens ang talaga namang namangha sa nakakalulang presyo ng kaniyang relo.


Ilan pa sa mga sikat na personalidad na nagmamay-ari din ng ganitong klase ng relo ay sina Post Malone, John Mayer, Adam Levine, Miley Cyrus, Mark Wahlberg at Kevin Hart. Ayon sa ilang mga nauna nang ulat ay inilabas ng Swiss luxury watchmaker na “Rolex” ang “Rolex Rainbow Daytona” sa Baselworld noong 2018 sa Switzerland.


Kilala din bilang “Rolex Daytona 116595 RBOW”, ang mamahaling Rolex Watch na ito ay mayroong 36 na “baguette-cut sapphires around the bezel, 11 pa bilang “hour markers”, at 56 “brilliant-cut diamonds”. Halos nasa $96,900 o Php4.8 million ang halaga nito noong taong 2018.


Ayon naman sa isang source ay nasa Php2.7 million ang pagkakabili ni Jinkee dito. Sa kasalukuyan ay apat na beses nang mas mahal ang presyo nito sa merkado na halos nasa $329,519 o humigit-kumulang Php16.3 million!


Si Jinkee Capeña Jamora-Pacquiao ay 41 taong gulang na pulitiko, socialite, media personality at film producer na nagsilbi na rin noon bilang Bise-gobernador ng Sarangani mula 2013 hanggang 2016. Taong 2000 nang ikinasal siya sa legendary boxer na si Sen. Manny Pacquiao at biniyayaan sila ng limang mga anak sina Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Princess), Queen Elizabeth (Queenie) at Israel.




error: Content is protected !!