Mga riders nagtulong-tulong upang maitayo ng isang maayos na bahay ang 88-anyos sa matandang nakatira sa sira-sirang bahay!



Ilang mga riders ang nagtulungan upang maitayo ng isang maayos na tahanan ang matandang lalaki na ito. Ang mapalad na lolo ay nakilala bilang si Feliciano Domingo, 88 taong gulang na naninirahan sa Barangay Maab-abaca, Piddig, sa Ilocos Norte.



Sa wakas ay magkakaroon na rin siya ng isang maayos na tirahan na masasabi niyang kaniya talaga. Sadyang napakahirap ng buhay at kalagayan ni Tatay Feliciano ngunit sa kabila nito ay patuloy pa rin siyang nagsusumikap at lumalaban sa buhay.

Kung noon ay talagang nagtitiis lamang siya sa tagpi-tagpi niyang barong-barong, ngayon ay maaari na siyang manirahan ng komportable sa kaniyang munting tahanan. Kung kaya naman napakalaki ng kaniyang naging pasasalamat sa ADJO Moto Club at sa mga riders nito na buong pusong tumulong sa kaniya.


Hindi madali ang pinagdaraanan ng maraming mga Pilipino sa ngayon lalo na at patuloy pa rin nating nilalaban ang pandemyang nanalanta sa maraming mga bansa sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ngunit kung patuloy tayong magkakaroon ng puso para sa mga taong talagang nangangailangan ng ating pagtulong, tiyak na mas magiging maayos ang pamumuhay ng marami sa atin.



Sinong mag-aakala na sa panahon ngayon ay mayroon pa ring mga taong nagnanais tumulong sa kapwa nila na nangangailangan talaga ng tulong? Maraming mga netizens ang talaga namang bumilib ng husto sa mga riders na ito.

Narito ang ilan sa mga naging komento ng netizens patungkol sa napakagandang pagkakawang-gawang ito



“Spread the good news. As what my grandfather told me that, God gave us two hands not to punish people but to give our helping hands. I do feel happy seeing people doing something good to humanity, God bless us.” Pahayag ng isang netizen.

“Mas lalo pang pag-iingatan ng Panginoon ang inyong paglalakabay, mga riders. Thank you sa inyo. Sana madami pa ang rider association na tulad niyong matulungin.” Komento pa ng isa.




error: Content is protected !!