OFW na nagtatrabaho sa Malaysia, nakapagpatayo na ng bahay at nakabili ng lupain sa loob lamang ng 4 na taon!



Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang napabilib at humanga kay Janice Dalida Esmeña, 37 taong gulang na nagtatrabaho bilang isang Overseas Filipino Worker. Siya ay isang domestic helper sa loob ng apat na taon sa Malaysia.



Ayon sa kaniyang ibinahaging kwento sa social media ay “housewife” siya sa Pilipinas noon ngunit napagdesisyunan niyang magtrabaho sa ibang bansa upang kumita ng mas malaking pera. Nais din niya kasing makapag-ipon at makapagpundar ng sarili nilang tahanan.

Bilang isang ina ay nais din niyang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kaniyang mga anak. Ang kaniyang mga anak ay edad 13 at 10 taong gulang. Sa ngayon ay inaalagaan ng kaniyang mister ang kaniyang mga anak at naninirahan sila sa Pontevedra Negros Occidental.


Labis labis ang naging pasasalamat niya sa kaniyang mga amo dahil sa napakabait at mapagbigay ng mga ito. Taliwas sa mga masasalimuot na kwento ng ibang mga kababayan nating OFW na nakakaranas ng pangmamalupit mula sa kanilang mga amo.



Ayon din kay Janice, sinasama siya madalas ng kaniyang mga amo sa ilang mga sikat na lugar sa Malaysia tulad na lamang ng “Twin Towers”, “Pavillion Malls” at sa iba pang mga mall. Hindi tulad ng ilang mga Pilipino ay hindi naapektuhan ng COVID-19 ang kaniyang trabaho dahil sa nasa loob lang din naman siya ng bahay ng kaniyang amo upang gawin ang kaniyang mga tungkulin at mga responsibilidad.

Dagdag pa niya, sadyang napasipag din ng kaniyang amo na babae dahil sa loob ng 3 buwan na lockdown sa kanilang lugar ay tinutulungan pa siya nito sa mga gawaing bahay. Ilan sa mga naipundar ni Janice sa Pinas ay ang naipatayo niyang bahay, 43 inches na telebisyon na mayroon na ding “cable”, maliit na taniman ng tubo, ilang mga appliances at gadget para sa kaniyang mga anak.



Tunay nga na hindi siya nagpatinag sa kahit ano mang bagay upang sa wakas ay maabot niya ang kaniyang pangarap para sa kaniyang pamilya, maliban dito ay natutulungan din niya ang kaniyang mga magulang.




error: Content is protected !!