Social distancing ba kamo? Pwede na ba ang mga gulong at pinto na ito?



Sadyang naging napakahirap ng mga lumipas na buwan para sa maraming mga Pilipino. Maliban sa pagkahinto at kawalan ng trabaho ng ilang mga indibidwal ay patuloy pa ring lumolobo ang bilang ng mga taong nagpopositibo sa nakakatakot na sakit na COVID-19.


Kung kaya naman walang humpay ang paalala ng mga otoridad na huwag na huwag nating kalimutan ang pagpapanatili ng “social distancing” at palagiang pagsusuot ng mga “face masks” lalo na kung lalabas tayo ng ating mga tahanan. Kamakailan lamang ay naging mainit na usap-usapan sa social media, sa telebisyon, at radyo ang pagpapatupad ng batas upang sa wakas ay payagan na ang mga mag-asawang umangkas sa motor.




Naging pasakit sa maraming mga commuters lalo na sa mga “frontliners” ang mahigpit na pagpapatupad ng batas na bawal ang magka-angkas sa motorsiklo upang mapanatili ang social distancing kung kaya naman nabigyan ng pag-asa ang maraming mga Pilipino dahil sa wakas ay hindi na nila kakailanganin pang maglakad ng malayo, mag-bisikleta, o di kaya naman ay mamasahe ng mahal para lamang makarating sa kanilang mga trabaho.

Sa kalagitnaan ng isyu patungkol sa pagbabawal ng angkas sa motorsiklo ay kumalat naman ang mga larawan na ito kung saan makikita ang ilang mga motorista na mayroong kaniya-kaniyang pamamaraan upang mapanatili ang social distancing habang nakaangkas sa motor.


Mayroong isang babaeng nakaangkas sa motor na mayroon hawak hawak ba napakalaking pintuan, habang ang isa naman ay tila nagtatago sa apat na malalaking gulong habang nakaangkas sa motor. Umani ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang mga viral na larawang ito.


Narito ang ilan sa mga naging reaksyon at komento ng mga netizens patungkol sa mga viral na larawan:


“Benta sa akin ito hahahaha. Pinto talaga? Baka hindi na maibaba ang kilikili pagbaba ng motor,” pahayag ng isa.

“Matibay pa ‘yan sa marriage contract. Yung marriage contract baka magka-COVID-19 ka pa no’n walang assurance ‘yon hahaha.” Komento pa ng isang netizen.



“Parang hindi ka nga matotodas sa COVID-19, mawawala ka naman sa suffocation o kaya sa aksidente hahaha,” turan naman ng isa pa.




error: Content is protected !!