Sunshine Cruz sinagot ang mga “manyak comments” ng ilang mga netizens sa larawan nilang mag-iina!



Kamakailan lamang ay hindi na nga napigilan pa ng aktres na si Sunshine Cruz ang kaniyang sarili na balikan at bweltahan ang mga manyak na netizens na nagkomento sa isa sa mga larawan nilang mag-iina na ibinahagi niya ilang linggo na ang nakalilipas sa kaniyang social media account. Sa naturang larawan ay makikita ang aktres kasama ang kaniyang tatlong mga anak na babae na sina Angelina, Samantha at Francheska na nakasuot ng “swimsuit”.


Mayroon pa itong caption mula sa beteranang aktres na “Ang aking mga prinsesa. I love you so much!”.



Ngunit hindi inaasahan ng celebrity mom na mayroong ilang mga netizens na magkokomento ng kamanyakan sa larawan nilang mag-iina. Hindi naman nanahimik lamang ang 42 taong gulang na aktres dahil sa binalikan din nito ang mga manyak na komentong kaniyang natanggap mula sa ilang mga netizens.

Ayon sa pahayag ng aktres, marami talagang nagkalat na mga taong ganito sa social media. Sadyang nalulungkot lamang diumano ang aktres dahil sa ginagawang dahilan ng mga tao na ito ang mga suot na damit ng mga kababaihan para lamang masabi nilang tama ang kanilang ginagawa.





Ayon pa sa pahayag ng aktres, hindi dapat sisihin ng mga manyak na ito ang mga pinipiling damit ng mga kababaihan dahil kahit naman balot na balot sila ng damit o kahit nakasuot pa ng gown ay mababastos pa rin sila lalo na kung marami talagang mga taong sadyang madudumi ang isipan. Dagdag pa ni Sunshine mas dapat sisihin ng mga manyak na ito dahil kahit pa nga pinag-aral sila ng kanilang mga magulang ay lumaki pa rin silang bastos.



Ang pahayag na ito ng aktres ay sinuportahan ng marami pang mga celebrities at mga netizens. Tunay nga na sa panahon natin ngayon ay mas nararapat lamang na iwasan nating sisihin ang mga tao o indibidwal na nakakaranas ng hindi magandang mga pangyayari sa halip na sila pa ang mas idiin at sisihin sa hindi magandang pag-iisip ng ibang tao.





error: Content is protected !!