Jinkee Pacquiao sinagot na ang mga pasaring sa kaniya sa social media ni Agot Isidro!



Nagsalita na ang kampo ni Jinkee Pacquiao patungkol sa mga patutsada ni Agot Isidro sa social media. Maaalalang binatikos ng Kapamilya actress na si Agot ang misis ni Sen. Manny Pacquiao dahil sa pagpopost nito ng larawan ng mamahalin nilang “couple bike” ni Pacman.



Pinayuhan ng aktres si Jinkee na mas maging sensitibo lalo na sa ngayon na mayroon pa rin tayong kinakaharap na pandemya. Matapos pag-usapan ang isyu na ito sa social media ay sinagot na ng kampo ni Jinkee ang mga pasaring ng aktres.

Nagpost ang manager ni Jinkee na si Arnold L. Vegafria ng kanilang opisyal na pahayag ukol dito.




“What’s your issue, Agot? What Jinkee posts on her Instagram page is not for us to judge? What she does with her family’s hard-earned money is none of our business, because such bountiful blessings are just the fruit of her husband’s esteemed legacy as an iconic Filipino boxing legend and businessman, and are not stained in any way by graft or corrÜption.” Pahayag ni Vegafria.




Dagdag pa nito, mayroon na ding ilang mga negosyo si Jinkee sa ilalim ng kaniyang pangalan kung kaya naman walang masamang bumili ito ng mga bagay na nais niyang bilhin mula sa pinaghirapan niyang pera. Marami na ding nagawa kawang-gawa ang pamilya Pacquiao lalo na ng nagdaang tatlong buwan ng pandemyang COVID-19.


Hindi lamang ito ang naging tulong o pagkakawang-gawa ng pamilya Pacquiao dahil sa kahit noon pa man ay kilala na ang pamilya sa pagiging matulungin nila at mapagbigay sa mga taong nangangailangan. Nakiusap din ito na kung maaari ay isipin niyang mabuti ang tamang paggamit ng salitang “nouveau” lalo na kung patungkol ito sa isang kilalang tao o pamilya.





“The Pacquiaos have worked hard over the past decades to achieve their current standing in society, and despite their status, they have remained humble, low-key and generous to whoever asks for their help. Their fervent desire to serve their countrymen continues to inspire them to pursue higher education and excel in their public service endeavors.” Dagdag pa niya.




error: Content is protected !!