Café sa Laguna gumagamit ng “reusable” at “handwoven” na mga kahon para sa kanilang pizza!



Isang tindahan ng pizza sa Pila, Laguna ang nagpabilib sa publiko dahil sa hindi ito gumagamit ng plastic. Dahil sa halip na gumamit sila ng mga ito ay gumagamit na lamang sila ng mga gawang-kamay na mga kahon na maaari pang gamitin ng mas maraming beses.



Hindi lingid sa kaalaman ng marami sa atin na ang polusyon sa basura ay talagng napakalaking problema na ng maraming mga bansa sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ang naturang establisyemento ay nakilala sa pangalang “BrickOven Café” na matatagpuan sa Laguna.

Sinong mag-aakala na mayroon pa rin palang mga organisasyon o establisyemento sa ngayon ang nagnanais na makatulong sa ating Inang Kalikasan kasabay ng pagtulong nito sa ilang komunidad. Tulad na lamang ng isang komunidad ng mga maglalala sa bundok ng Laguna.


Maaari pa rin namang bumili sa café na ito ng pizza na nakalagay sa mga regular na kahon nilang gawa sa papel ngunit kung bibili ang kanilang customer ng pizza na nakalagay sa kanilang “handwoven” pizza ay magkakaroon sila ng diskwento sa kanilang babayaran. Ang “Oceana Philippines” ay isang organisasyon na nagnanais na tularan pa ng ilang mga negosyo ang ganitong pamamaraan upang makatulong sa ating kapaligiran.


“The BrickOven Cafè in Laguna uses locally handwoven boxes to package their pizza! From the box to to the string that ties it, everything is biodegradable and plastic-free. We hope other establishments would also go #DiNaSingle by ditching single-use plastics for their packaging! #PlasticFreeJuly.” Pahayag ng Oceana Philippines.



Humanga naman ang maraming mga netizens sa hakbang na ito ng naturang café. Tunay nga na hindi na biro ang problema natin sa labis na polusyon lalo na sa Pilipinas kung kaya naman tiyak na makakatulong at magiging malaking pagbabago ang ganitong klase ng inisyatibo.

Umaasa ang publiko na sana ay maipagpatuloy pa ng iba pang mga kompanya, negosyo, o establisyemento ang ganitong klase ng pamamaraan upang mas mapangalagaan natin ang kalikasan at kapaligiran.




error: Content is protected !!