Congressman Rodante Marcoleta nais magkaroon ng batas patungkol sa pagpapatanggal ng mga krus sa mga ospital



Ang Pilipinas ay kilala ng marami hindi lamang sa pagkakaroon n g demokratikong pamamahala ng gobyerno. Isa rin ito sa mga kilalang Kristiyanong bansa sa Asya.

Mayroon man tayong iba’t-ibang relihiyon at paniniwala ay hindi pa rin nawawala ang respeto at paggalang natin para sa isa’t-isa. Nakasanayan na ng marami sa atin na igalang ang relihiyon, opinyon, at paniniwala ng ibang tao.



Kung kaya naman maraming mga Pilipino ang umalma sa nais ng isang kongresistang ipatanggal ang mga krus sa mga ospital sa bansa. Nais ni SAGIP Party-list Representative at House Deputy Speaker Rodante D. Marcoleta na maging opsyonal na ang paglalagay ng mga krus na ito at mga imahe ng mga Santo sa mga ospital.



Naipasa na niya sa Kongreso ang House bill no. 4633 na mayroong pamagat na “An Act Making Hanging of Religious Mementos Such as Crucifixes, in Hospital Suites Optional”. Ayon sa mambabatas ay simbolo ng mga Katoliko ang mga krus at imahe na ito sa mga ospital.




Dagdag pa niya ay maaaring normal na lamang ito para sa marami sa atin ngunit maaari itong maging isyu patungkol sa relihiyon dahil sa pagiging malinaw na simbolismo ito ng isang partikular na relihiyon lamang. Sa ating bansa na talaga namang sensitibo sa mga usaping pangrelihiyon, nais niyang mas maging komportable ang mga pasyenteng hindi Katoliko sa kanilang kwarto o silid sa ospital.

Narito ang komento ng ilang mga netizens patungkol sa naturang pagpapanukala ng batas:

“Expression of faith is a basic right enshrine in the constitution and is promoted by all good religion. We should be tolerant and respect all people otherwise, there will be division among people,” Pahayag ng isang netizen.

“Hindi po ito ang dapat unahin. I believe that there is a need to address regulatory issues concerning hospitals at this point so as the health workers can focus on ministering to the needs of s!ck people.” Dagdag pa ng isa.



“For me, no need for this, magsasayang na naman kayo ng oras sa mga hearings, like sa pag-shutdown sa network na umpisa pa lang alam mo na ang kalalabasan dahil sa galit ng iisang tao lamang, na naki-ride on at gumanti na rin ang mga may hidden agenda!” sambit pa ng isang netizen.

“It is the choice of the patient. He/she can request for the removal of it.” Maikling komento naman ng isa pang netizen.

Ang naturang mambabatas ay kilalang kaanib ng relihiyong Iglesia ni Cristo o INC at isa rin siya mga kongresistang tumuligsa sa ABS-CBN franchise renewal.




error: Content is protected !!