Gabbi Garcia pinasilip ang napaka-elegante nilang bahay sa Parañaque City



Si Gabriella Louise Ortega Lopez o mas nakilala ng publiko bilang si Gabbi Garcia ay 21 taong gulang na aktres at recording artist ng GMA network. Gumanap na siya noon bilang si Nicole Perez sa primetime series na “My Destiny”, Pia Sta. Maria sa “Let The Love Begin” at Sang’gre Alena sa “Encantadia”.



Hinangaan siya ng maraming mga Pilipino dahil sa kaniyang husay at galing sa pag-arte at pag-awit. Isa rin siya sa mga aktres sa industriya ng show business na mayroong magandang mukha at balingkinitang pangangatawan.

Una nang nagpakilig sa publiko ang tambalan nila ni Ruru Madrid. Ngunit nagwakas din ito ng taong 2018.



Nagkaroon siya ng pelikula noon kasama ang kaniyang real-life boyfriend na si Khalil Ramos na pinamagatang “LSS”. Ngunit hindi sang-ayon ang aktres na tawagin ang tambalan nila bilang isang “love team”.


Kamakailan lamang ay pinaunlakan ni Gabbi ang publiko sa kanilang napakagandang tahanan. “Casa Lopez” ang tawag ni Gabbi sa kanilang napaka-eleganteng tahanan. Ang kaniyang nobyo na si Khalil mismo ang nagsilbing cameraman ng aktres.


Ilan sa mga parte ng kanilang tahana na ipinasilip ni Gabbi ay ang kanilang hardin, “foyer”, “living room”, “bar area”, “man’s cave” ng kaniyang ama, “music room” ng kaniyang ate at ang kanilang maaliwalas at eleganteng “hallway”. Mahilig ang aktres sa mga tuyong bulaklak na madalas niyang kinukuhanan ng mga larawan na pinopost naman niya sa social media.

“Tropical glam” ang tema ng kanilang tahanan na halos nahahawig din sa karakter niya sa Encantadia na si Alena.

“Dami nga nagsasabi inspired daw kay Alena yung house ko pero not really – but yeah okay I love my character also and it brought me so much blessings, so why not,” Pahayag ng aktres.

Talaga namang napakagandang tingnan at napaka-elegante ng kabuuan ng kanilang tahanan. Tiyak na pinag-isipang mabuti at pinaglaanan ng panahon at oras upang maging ganito kaganda ang kanilang tahanan na talaga namang nagpamangha at nagpabilib sa maraming mga netizens.




error: Content is protected !!