Marvin Agustin at Markki Stroem na magkatabi sa kama, kontrobersiyal ngayon sa social media!



Si Marvin Jay Marquez Cuyugan ay sumikat at nakilala ng maraming mga Pilipino bilang si Marvin Agustin. Siya ay 41 taong gulang na aktor, chef, at entrepreneur.


Talaga namang humanga ang publiko sa kaniyang pambihirang husay sa pag-arte at pagnenegosyo. Ilan sa mga pinagkakaabalahan niyang negosyo ay ang “Sumo Sam” na isang Japanese-American restaurant.




Isa rin siya sa mga co-owner ng “John and Yoko” na isag Japanese restaurant at ng Cafe Ten Titas restaurant. Maliban sa kaniyanf restaurant business ay mayroon din siyang kompanya na “Futuretainment Inc.” na isang concert at event production.


Isa ang “Kanta Pilipinas” ng TV5 sa mga naging proyekto nila noon. Sa industriya ng show business sadyang hindi maiaalis at mawawala ang maraming mga isyu at kontrobersiya.
Tulad ng ibang mga artista ay talaga namang nakakaranas din ng mga kontrobersiya si Marvin. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang kumakalat na mga larawan niya kasama si Markki Stroem.



Sa naturang mga larawan ay makikitang magkatabi sa iisang kama. Nakangiti si Markki sa kamera habang tila nakasandal naman sa katawan nito si Marvin. Taong 2018 nang magsimulang kumalat ang mga kontrobersiyang ito tungkol sa dalawa. Noon pa man ay madalas na silang magkasama sa mga biyahe nila sa ibang bansa.


Sa kabila nito ay pinabulaanan ng dalawa ang mga alegasyon na diumano ay mayroong tinatagong relasyon ang dalawa. Ayon naman sa pahayag ng batikang aktor na si Marvin, hindi na siya matitinag pa ng mga ganitong mga usapin dahil sa sanay na siya sa mga ganitong klase ng isyu noon pa man.



Ayon naman sa pahayag ni Markki patungkol sa isyu, kaibigan na niya noon pa man si Marvin at matagal na rin silang magkatrabaho. Nais din niyang mag-pokus sa kaniyang trabaho at dahil dito ay batid niya sa kaniyang sarili na nais niyang maging “single” at bata pa din naman siya.




error: Content is protected !!