Pokwang inamin ang dahilan kung bakit hindi nila kasama ngayon ang anak na si Shin!



Ang pagiging isang ina ay isang napakasarap na karanasan ngunit punong-puno rin naman ng maraming pagsubok at responsibilidad. Laging pamilya ang una sa puso at isipan ng mga ina. Si Marietta Subong ay mas nakilala ng publiko bilang si Pokwang o si Mamang.


Isa siyang mahusay na aktres, komedyante, TV host, mang-aawit at isang endorser. Hindi lamang siya mahusay na komedyante dahil sa isa rin siyang kahanga-hangang aktres sa pelikula man o sa telebisyon.


Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko ang naging tagumpay ni Mamang mula pa noong nagsisimula pa lamang siya sa industriya ng show business. Mula siya sa isang mahirap na pamilya kung kaya naman sa murang edad ay kinailangan na niyang magtrabaho.


Isinantabi niya rin ang pag-aaral niya noon at nagsumikap na sa kaniyang pagtatrabaho. Nang magkaroon siya ng oportunidad na makapagtrabaho sa ibang bansa ay hindi na rin siya nagdalawang-isip pa.

Nagtrabaho siya bilang isang dancer at choreographer sa Japan. Dito niya nakilala ang ama ng kaniyang panganay na anak na si Shin.




Taong 1992 nang pinanganak ng aktres ang kaniyang panganay. Ngunit iniwanan na lamang sila bigla ng ama ni Shin. Taong 1996 ay muling nagmahal si Mamang sa katauhan ng ama ng kaniyang pangalawang anak na si Ria Mae ngunit naghiwalay din sila. Hindi naging madali ang responsibilidad ni Pokwang lalo na at dalawa na ang kaniyang mga anak na sinusuportahan.



Dahil sa hirap ng buhay ay muli na namang sumabak sa ibang bansa si Pokwang upang magtrabaho bilang isang “domestic helper” sa Abu Dhabi. Bago pa man siya umalis ng bansa noon ay nalaman na niyang mayroong tÜmor sa utak ang kaniyang panganay at talagang kritikal na ang kalagayan ng kaniyang anak.

Habang nasa ibang bansa siya noon at nagsusumikap sa trabaho ay binalita na lamang sa kaniyang pumanaw na ang kaniyang anak na si Shin sa edad na 5 taong gulang. Sa kabila ng napakabigat na dagok na ito sa kaniyang buhay ay nanatili pa rin siyang matatag at lumalaban sa buhay.


Kamakailan lamang ay inalala niya ang kaniyang panganay sa ika-24 na taong kaarawan nito nang magbahagi siya ng ilang mga larawan at alaala nila sa social media.




error: Content is protected !!