Vlogger nakatanggap ng sorpresa mula sa isang hindi nagpakilalang tagahanga!



Sa panahon natin ngayon, marami nang mga sikat na vlogger at YouTuber sa social media ang talaga namang nagiging matagumpay at nagkakaroon ng magandang kinabukasan dahil sa hilig nilang ito. Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na mas marami pang mga Pilipino ang sumunod sa kanilang mga yapak.


Tulad na lamang ng isang vlogger na ito na umani ng sari-saring komento at reaksyon mula sa maraming mga netizens dahil sa kaniyang naging karanasan sa isa sa kaniyang mga tagahanga. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan nga sa social media ang post na ito ng isang vlogger dahil sa nakatanggap siya ng isang sopresang delivery mula sa hindi nagpakilalang tagahanga.



Ayon pa sa ibinahagi na post ng vlogger na si Pamela Jacobe “Sana All” ang alyas ng kaniyang tagahangang nagpadala sa kaniya ng naturang delivery. Sino ba naman ang mag-aakalang mayroon pang taong sumusorpresa ng ganito sa kaniyang iniidolo?

Lalo na sa ngayon na halos lahat ng bagay ay moderno na. Talaga namang napa-“sana all” din ang publiko dahil sa natanggap na sorpresang ito ni Pamela. Marami sa mga netizens na ito ang nag-tag sa kanilang mga nobyo at mister na sana ay gawin din ng mga ito ang ganitong klase ng sorpresa sa kanila kahit minsan man lamang.


Habang mayroon din namqng ilan na nagsabing sadyang napakapalad ng vlogger na ito dahil sa “effort” na pinakikita sa kaniya ng kaniyang tagahanga. Narito pa ang ilan sa mga komento at reaksyon ng mga netizens.


“Sana all may napapa-Food Panda. Sa mga boyfriend namin, lagay naman kayo ng konting sweetness. Yung element of surprise ba,” sabi ng isang netizen.


“Sana all nagkukunwaring may nagbibigay kaka-sana all hahahaha, joke lang, baka naman talaga may nagbigay kay Ate Girl, ka-sweet naman niyan kung sino man iyan! Sana may magbigay rin sa akin.” komento naman ng isa.

“Plot twist niyan, kay Food Panda rider talaga galing ‘yan hahahaha kunwari lang,” pahayag naman ng isang netizen.






error: Content is protected !!