Kristine Hermosa masayang gumagawa ng mga gawaing-bahay kasama ang kaniyang mga anak!



Si Anna Kristine Hermosa-Sotto o mas nakilala ng publiko sa kaniyang screen name na Kristine Hermosa ay 36 na taong gulang na aktres at modelo. Isa siya sa mga artistang hinahangaan ng marami dahil sa mala-Diyosa nitong kagandahan at mala-porselanang kutis.


Ilan sa mga popular na proyekto na nagawa niya noon ay “Pangako Sa ’Yo”, “Sana’y Wala Nang Wakas” at “Dahil May Isang Ikaw”. Taong 2000 hanggang 2010 nang namayagpag ang kaniyang karera sa industriya ng show business.




Taong 2004 ay ikinasal siya sa aktor at matinee idol na si Diether Ocampo. Ngunit nauwi rin sa annulment ang kanilang kasal noong taong 2009.

Taong 2011 naman ng muli siyang naikasal sa aktor at host na si Oyo Boy Sotto. Biniyayaan sila ng apat na mga anak sina Kristian Daniel o Kiel, si Ondrea Bliss, Kaleb Hanns, at Marvic “Vin”Valentin Jr.


Bagamat hindi na madalas na nakikita sa harapan ng kamera ang aktres ay marami pa rin siyang napapabilib na mga netizens dahil sa madalas niyang pagbabahagi ng ilang mga larawan o video nila sa social media. Kamakailan lamang ay nagbahagi siya ng ilang larawan ng ginawa nilang paglalaba ng kaniyang anak na si Kaleb.



Makikita sa larawan ng mag-ina na masayang-masaya at talagang nagtulungan sila upang matapos kaagad ang kanilang gawain. Umani naman ng sari-saring komento at reaksyon mula sa publiko ang ginawang ito ni Kristine

Marami ang nagsabing kahanga-hanga ang ginagawa niyang pagtuturo sa kaniyang mga anak ng mga gawaing-bahay habang bata pa sila. Nagiging “bonding time” din ito ng mag-ina.




Hindi rin nakalimutan ng celebrity mom na magpasalamat sa Diyos sa lahat ng mga biyaya at pagpapalang kanilang natatanggap sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap natin sa ngayon. Tunay nga na napakagandang halimbawa nito para sa maraming mga magulang na magkaroon ng ganitong klase ng mga gawain kasama ang kanilang mga anak at para naman mga anak na matutong tumulong sa kanilang mga magulang sa mga gawaing-bahay.




error: Content is protected !!