Russia military pinahayag na na-test na at ligtas nang gamitin ang COVID-19 vaccine!



Kamakailan lamang ay ibinahagi ng Russian defense ministry na nakatuklas na sila ng isang ligtas na gamot o bakuna kontra sa Coronavirus 2019. Diumano ay nakapasa na ang bakuna na ito sa ilang mga “clinical trials” na ginawa sa ilang mga grupo ng mga taong nagboluntaryong sumailalim sa naturang proseso.


Nasa 18 katao ang nakiisa sa naturang pag-aaral, naging matagumpay ang mga tests sa kanila at nakalabas sila ng walang kahit anong seryosong komplikasyon o “side effect” sa kanilang kalusugan. Ayon pa sa naging pahayag nila ang mga nakuha nilang resulta mula sa mga ginawa nilang pag-aaral at mga test ay makapagbibigay sa kanila ng kompiyensang ligtas na nga talaga ang bakunang kanilang nadiskubre upang gamitin sa mga taong nahawa o nagpositibo na sa sakit na COVID-19.




“Their immunity is working well, antibodies are being created, they are protected against the coronavirus,” pahayag ng researcher na si Svetlana Volchikhina sa isang video na ibinahagi sa publiko ng defence ministry.


Ibinahagi ng Defense Minister Sergei Shoigu kay President Vladimir Putin noong kasagsagan pa ng naturang pandemya noong Mayo sa Russia na ang mga “military researchers” nila ay gumagawa na at tumutuklas ng bakuna laban dito kaagapay ang ilan pang mga siyentipiko sa Gamaleya Institute sa Moscow. Ang mga pasyenteng nagboluntaryo para sa pag-aaral na ito ay nanatili sa Burdenko military hospital sa Moscow noong Hunyo 18 nang sumailalim sa ilang mga trial ang naturang COVID-19 vaccine.



Araw-araw ding sinusuri ang kalagayan ng mga pasyenteng ito upang ma-monitor ang epekto ng bakuna sa kanilang katawan. Sa 28 araw matapos ang pagbabakuna ay naging maayos ang mga “vital signs” ng mga pasyenteng ito hanggang sa naging normal na.

Ang ikalawang grupo naman ng mga pasyenteng nabakunahan ng naturang COVID-19 vaccine noong Hunyo 23 ay kasalukuyang naka-isolate pa sa ospital at patuloy pang sinusuri ang kanilang kalagayan.





error: Content is protected !!