Sofia Andres at anak na si Baby Zoe may cute na cute na bonding moment!



Si Sofia Louise Alejandre Andres o mas nakilala ng publiko sa kaniyang screen name na Sofia Andres ay 21 taong gulang na aktres at modelo. Isa siya sa pinakamagandang aktres ng ABS-CBN network.


Ngunit mas hinangaan siya ng publiko dahil sa kaniyang mahusay na pagganap sa “Princess and I”, “She’s Dating the Gangster”, “Relaks”, “It’s Just Pag-Ibig”, “Forevermore”, “Pusong Ligaw“ at “Bagani”. Kamakailan lamang ay nasorpresa ang publiko dahil sa pag-amin nito na siya ay isa nang ganap na ina.




Itinago niya sa publiko ang kaniyang naging pagbubuntis at panganganak. Ibinunyag din niya na ang kaniyang dahilan sa pagtatago niya ng kaniyang pagbubuntis ay dahil sa ayaw niyang ma-stress at makasama ito sa kaniyang ipinagdadalang-tao.


Sa kabila nito ay marami pa rin naman sa kaniyang mga tagahanga ang patuloy na sumusuporta sa kaniya. Hindi rin mapigilan ng maraming mga netizens na humanga sa cute na cute na baby nina Sofia at nobyo nitong si Daniel.


Nitong Pebrero lamang ay nabinyagan na din si Baby Zoe at isa nga sa mga bigatin niyang ninang ay ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo. Maraming mga netizens din ang giliw na giliw at cute na cute sa kulitan at bonding moments ng mag-inang Sofia at Baby Zoe.


Sadyang napakasarap pagmasdan na masayang-masaya sila ngayon. Tunay nga na hindi madali ang pagiging isang ina at ang pagkakaroon ng sariling pamilya ngunit isa rin ito sa mga pinakamagandang regalo at biyaya mula sa Diyos na dapat nating ipagpasalamat sa araw-araw.



Kung kaya naman kahit na mayroon nang bagong buhay si Sofia kapiling ang kaniyang anak at nobyo ay marami pa rin ang umaasang muli siyang magbabalik sa pag-aartista. Ilang mga netizens din naman ang nagkomento na tiyak na pwedeng pwede ring pumasok sa showbiz ang kaniyang anak na si Baby Zoe lalo na sa paglaki nito.




error: Content is protected !!