“Bahay kubo with a twist”, nagpamangha at nagpabilib sa maraming mga netizens!



Ang pagkakaroon ng sarili nating tahanan kasama ang ating mga mahal sa buhay ang isa sa pinakamagandang bagay na ating maipupundar na talaga namang mapapakinabangan natin sa mahabang panahon. Hindi madali ang pagpaplano at ang pagpapatayo ng bahay o tahanang matagal na nating pinapangarap ngunit sa tulong ng mga taong sumusuporta sa atin at sa mga ating matinding determinasyon ay talaga namang makakamit din natin ang matagal na nating pinapangarap.

Kamakailan lamang ay naging inspirasyon sa marami ang isang “bahay kubo with a twist” na namataan ng mga netizens sa social media. Inilarawan ng mga netizens ang bahay na ito bilang isang makabago o modernong bahay kubo dahil sa aakalain mo talagang tipikal na bahay-kubo ito sa labas dahil sa simpleng ayos at hitsura nito ngunit kapag nasilayan mo na ang interyor nito ay talaga namang mamangha ka sa napakaganda at napakaaliwalas nitong ayos.

Ang bahay na ito ay pundar ni John Paul Cortes Lamoste at ng kaniyang misis. Ibinahaagi niya sa kaniyang Facebook post ang kakaibang ganda ng kaniyang tahanan na gawa sa semento at iba pang “light materials”.



Kapag nakapasok ka sa loob ng tahanan nila ay talaga namang magugulat ka dahil sa naka-tiles ang kanilang sahig, maging ang banyo at kusina ay naka-tiles din. Aakalain mong nasa tahanan ka ng isang pamilyang mayroong mala-mansyon na tahanan.



Napakaraming mga netizens ang hindi napigilang mamangha sa angking kagandahan ng modernong bahay-kubo na ito. Narito ang ilan sa kanilang mga komento at reaksyon:

“Magkano po ang nagastos ninyo sa pagpapagawa niyan? ang cute po. Parang gusto ko gayahin!” Pahayag ng isang netizen.

“Oo nga no? Parang ang gandang tumira sa ganiyang bahay. Pagtingin mo sa harapan parang simple lang, pero pagpasok mo sa loob, wow… modern! Kudos sa bright idea!” komento pa ng isa.

“Indeed, that’s what you call a place we call home. Simple lang. Hindi naman kailangang sobrang laki kasi mahirap ding i-maintain. Just a simple house that you may call a home. Gusto ko rin ng ganiyan!” pahayag pa ng isang netizen.




error: Content is protected !!