Isang online seller noon, isa nang matagumpay na business woman ngayon na nakapagpundar na ng bahay para sa kaniyang pamilya!



Hindi madali ang magtrabaho, napakaraming mga pagsubok at hirap na pinagdaraanan ano mang klase ng trabaho ang mayroon ka. Ngunit sadyang mapalad na ang marami sa atin dahil nabigyan tayo ng oportunidad na makapaghanap-buhay at kumita maliit o malaki man ang halaga ng ating sweldo.


Para sa ating mga pangarap kailangan nating mas maging determinado at magpursigi sa buhay. Tulad na lamang ng dating online seller na ito na ngayon ay isa nang matagumpay na business woman.




Ibinahagi niya ang nakakamanghang kwento ng kaniyang pagsusumikap at pagtatagumpay. Ang online seller na ito ay walang iba kung hindi si Rica Detiquez.

Nasa kolehiyo pa lamang siya at madiskarte na talaga siya. Nariyan ang nagbebenta siya ng mga pre-order na mga damit, liptint, graham balls at marami pang iba.
Online seller ang kaniyang ina dati kung kaya naman pinasok na rin niya ang maging “reseller”. Nang makapagtapos siya ng pag-aaral at nakahanap na ng trabaho ay patuloy pa rin siya sa kaniyang pagtitinda online.



Hindi siya napagod at pinanghinaan ng loob sa lahat ng mga naririnig niyang sinasabi ng ibang tao patungkol sa kaniyang ginagawang pagtitinda ng kung ano-ano. Dahil sa kaniyang pagsusumikap at pagtitiyaga sa buhay ay nakapag-ipon nga siya ng pangpuhunan para sa kaniyang cosmetic business na “Ryx Skincerity” kung saan tuluyan na ngang nabago ang buhay niya at ng kaniyang pamilya.


Sobra sobra ang pasasalamat niya sa Diyos at sa mga taong nagtiwala at patuloy na tumatangkilik ng kaniyang sinimulang negosyo. Sa ngayon ay patuloy pa ring lumalago ang kaniyang cosmetic business na naglalayong makatulong rin sa iba pang mga tao na nagnanais ring umasenso sa buhay.



Nakapagpundar na din si Rica ng isang maganda at bagong bahay para sa kaniyang pamilya. Tunay nga na kung magkakaroon tayo ng matinding determinasyon sa buhay sa kabila ng mga pagsubok na ating mararanasan ay walang dudang magiging matagumpay tayo at makakamit natin ang ating mga pangarap sa buhay tulad na lamang ni Rica na nagsilbi ring inspirasyon sa marami pang mga Pilipino.




error: Content is protected !!