Mansanas na itim, mahal ang presyo kapag ibinenta ngunit ayaw itanim ng ilang magsasaka?



Isa sa pinakapopular na prutas sa bansa ay ang mansanas. Marami sa atin ang madalas na kumakain nito dahil sa sustansiyang taglay at sarap nito.


Madalas ay kulay pula o di kaya naman ay kulay berde ang mga mansanas na ating binibili at kinakain. Ngunit mayroon pa palang ibang kulay ng mansanas?



Tulad na lamang halimbawa ng kulay dilaw, pink at ang tinaguriang pinaka-“rare” na kulay ng mansanas na kulay itim. Ang kulay itim na mansanas na ito ay kilala sa pangalan na “Black Diamond Apples”.

Tinawag ito sa ganitong pangalan dahil sa kakaibang kintab nito at tila ba maihahalintulad sa isang “candle wax”, tila mayroon din itong kakaibang kinang na tila ba isang “diamante”. Talaga namang nakakagulat ang presyo ng mga ganitong klase ng mansanas dahil halos nasa $20 ang isang piraso lamang nito.


Ngunit kahit pa nga mahal ang presyo nito kapag binenta, mayroon pa ring ilang magsasaka na ayaw itong itanim. Ayon sa ilang mga ulat ang “black diamond apples” ay isang uri ng “Hua Niu” apples.



Mula pa daw ito sa New Zealand na kalaunan ay nakarating sa Tsina kung saan tinamin ito sa Nyingchi, Tibet. Espesyal ang kapaligiran roon at mayroon ding “grafting technology” ang mga magsasaka na naninirahan doon.


“Rare” kung ituring ang ganitong klase ng mansanas dahil sa itinatanim ito sa “highlands” na mayroong altitude na 3,500 above sea level. Kinakailangan din ng mga mansanas na ito ang matinding sikat ng araw at ultraviolet light upang mas maging maganda ang tubo nito.


Ang mga mansanas na ito ay eksklusibong mabibili lamang sa mga “high-end supermarkets” sa mga first-tier cities sa Tsina na nasa 6-8 piraso lang ang laman sa isang package. Dahil dito ay mas pinipili na lamang ng maraming magsasaka na magtanim ng mga mansanas na mas madaling palakihin o alagaan dahil mas mataas din ang demand ng mga ito sa merkado kumpara sa mga mahal at “rare” na “black diamond apples” na ito.




error: Content is protected !!