Netizens, napa-“Sana All” sa angking kagandahan at kasexyhan ni Bangs Garcia sa kaniyang naging maternity sh00t!



Ang pagiging isang ina ay isang biyayang maituturing mula sa Diyos. Talaga namang isa ito sa mga pinapangarap ng maraming mga kababaihan, ang maging isa ina.


Hindi biro ang mga responsibilidad at pagsubok na kaakibat nito ngunit wala pa ring kapantay ang kaligayahan ba iyong madarama kung ikaw ay isa nang ina. Kung kaya naman hindi na rin nakapagtatakang marami sa atin ang hindi mapigilang mag-ipon ng mga larawan, video at iba pang mga alaala ng yugtong ito ng ating buhay.




Tulad na lamang ng dating sikat na aktres na si Bangs Garcia na hindi pinalampas ang pagkakataong ito kahit pa sa loob lamang ng tahanan ang tanging lugar kung saan nila ito maaaring gawin dahil na rin sa pandemyang kinakaharap ng maraming bansa sa ngayon. Talaga namang nangibabaw ang angking kagandahan ni Bangs kahit pa nga kasalukuyang nasa huling yugto na siya ng kaniyang pagbubuntis.

Napangasawa ni Bangs ang isang Filipino-British na si Lloyd Birchmore. Tatlong beses na silang ikinasal, una sa isang civil wedding sa England, isang sikretong church wedding, at beach wedding sa Boracay.

Matatandaang taong 2017 nang ipinanganak ni Bangs ang panganay nilang anak na si Amelia. Buwan ng Pebrero naman ng ibahagi nila sa publiko na madadagdagan na ng isa pa ang kanilang pamilya.




Kamakailan lamang ay ibinahagi niya ang kuhang mga larawan sa kaniyang maternity photoshoot sa tulong ng “The Story Teller UK”. Napa-“sana all” ang maraming mga netizens dahil sa napakagandang kuha ng mga larawan ni Bangs.


Sa “living room” ng tahanan nilang mag-asawa isinagawa ang naturang photoshoot. Ipinost ito ni Bangs sa kaniyang social media account at gayundin naman sa Instagram page ng kaniyang photographer.


Wala pa rin talagang kupas ang angking kagandahan ni Bangs kahit pa siya ay mayroon nang dalawang mga anak. Sabik na sabik na rin silang masilayan ang karagdagang anghel sa kanilang pamilya.




error: Content is protected !!