Sikat na OPM Rapper na si Gloc 9 proud online seller na sa gitna ng pandemya!



Si Aristotle Pollisco o mas nakilala ng maraming mga Pilipino bilang si Gloc-9 ay 42 taong gulang na Pinoy rapper, singer at singwriter. Isa siya sa pinakarespetado, pinakatalentado at pinakahinahangaang rapper sa bansa sa matagal na panahon.


Dahil sa pambihira at talagang nakakabilib niyang husay sa pag-rarap at pag-awit ay hindi na nakapagtatakang kilalanin siya bilang isa sa pinakamatagumpay at pinakasikat na hip-hop artist ng Pinas. Inilarawan siya ng yumaong Francis Magalona na isa ring mahusay na Pinoy rapper ng bansa bilang “a blacksmith of words and letters, and a true Filipino poet”.


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng mga netizens ang pagiging online seller ni Gloc-9. Mayroon pa ngang isang netizen na nagtanong sa kaniya kung bakit siya nagtitinda “online” sa kabila ng kaniyang kasikatan at nakamit nang tagumpay sa buhay at sa kaniyang karera.


Ayon naman sa sikat na rapper, hindi naman masama ang kaniyang ginagawa at hindi niya ito kinakahiya. Dagdag pa niya, sa panahon natin ngayon ay mas dapat tayong maging madiskarteng mga Pilipino lalo na kung nais nating kumita at suportahan ang ating mga pamilya.


Noon nga daw ay nagtrabaho na siya bilang tagalinis ng basura, kubeta at kanal. Maliban sa pagtitinda ng mga jersey, pritong manok, dinuguan, menudo at biko mula sa kanilang “Kusina ni Juvy” ay kasalukuyan din siyang abala sa paghohost ng kaniyang writing at composition workshop sa Zoom at pagpopromote ng kaniyang clothing brand na “Guitar Apparel 1960”.




Sa kabilang banda, umani naman ng maraming mga positibo at magagandang komento mula sa publiko ang naging pahayag na ito ni Gloc-9. Tunay nga na naging praktikal at totoo lamang siya lalo na sa ngayon na kumakaharap pa rin tayo sa matinding pagsubok dahil sa pandemyang COVID-19.



Kung kaya naman mas mabuti pa rin ang maging madiskarte at maparaan lalo na sa panahon natin ngayon dahil sa hindi rin naman natin kayang hayaan na lamang na magutom ang ating pamilya o di kaya naman ay umasa na lamang tayo sa tulong ng ibang tao o ng ating gobyerno.




error: Content is protected !!