Categories: Viral

Diskarte ng isang flight attendant upang kumita sa gitna ng pandemyang hinangaan ng publiko!

Hindi madali ang kinakaharap nating problema sa ngayon hindi lamang bilang isang indibidwal kung hindi bilang isang bansa. Sadyang napakarami nang dumating na kalamidad, sakuna at pagsubok mula nang magsimula ang taong 2020 ngunit wala na yatang makahihigit pa sa hirap na ating naranasanan dahil sa pandemyang COVID-19.


Ngunit sa kabila ng mga ito ay hindi pa rin sumuko at hindi pa rin nagpatalo ang maraming mga Pilipino. Sadyang likas na yata talaga sa atin ang pagiging palaban at positibo sa maraming mga bagay sa kabila ng hirap at pagsubok na ating dinaranas.

Kamakailan lamang ay hinangaan ng marami ang isang “flight attendant” na ito dahil sa walang arte itong naghahanap-buhay upang kumita sa gitna ng pandemya. Batid naman ng marami sa atin na karamihan sa mga “flight attendant” na ating kilala ay nakakabiyahe ng libre sa maraming mga bansa sa buong mundo at sa iba pang magagandang lugar sa ating bayan.


Kasabay pa nito ang pagkakaroon nila ng mas malaking sweldo kumpara sa ibang mga trabahong mayroon sa Pilipinas. Kung kaya naman labis na hinangaan ng publiko ang “flight attendant” na ito na nakilala bilang si “Sophia Tolentino”.

Pinasok niya na rin kasi ang “online food business” dahil sa pansamantalang nahinto ang kaniyang trabaho dahil sa pandemya. Noong una ay napakaraming nagtatanong sa kaniya kung bakit niya pinasok ang ganitong trabaho dahil isa siyang FA ngunit ang kaniyang sagot ay wala namang masama na magdeliver ng pagkain lalo na sa panahon ngayon ng pandemya.


Maraming mga netizens din naman ng nabigyan niya ng inspirasyon dahil dito. Tunay nga na walang masama sa paghahanap-buhay lalo na kung sa desente at marangal na pamamaraan naman ito isasagawa.

Marahil para sa iilan ay mahirap at mabigat na responsibilidad ang ganitong klase ng trabaho ngunit kung sasamahan mo ito determinasyon at pagmamahal ay tiyak na mas magiging madali ito lalo na kung gagawin mo ito para sa iyong minamahal na pamilya. Talaga namang naging malaking tulong din sa maraming mga Pilipino ang “online selling” kung kaya naman hindi na nakapagtatakang mas marami pa ang sumusubok nito lalo na at hanggang ngayon ay marami pa rin sa atin ang hindi pa nakababalik sa ating mga trabaho.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago