Matataba mas delikado sa nakakahawang sakit na COVID-19 ayon sa isang pahayagan!



Sadyang napakarami na nating naranasan na pagsubok sa nagdaang mga buwan. Mayroong mga sakuna, mga kalamidad, at iba pang mga hindi kaaya-ayang pangyayari ang ating pinagdaanan sa pagsisimula pa lamang ng taon.


Ngunit sa kabila nito ay nananatili pa rin tayong matatag at puno ng pag-asa na darating din ang araw na ating pinakahihintay na kahit papaano ay magbabalik din ang lahat sa normal. Marami mang mga alalahanin sa ating paligid ay hindi pa rin naman nawawala sa maraming mga Pilipino ang pagiging masayahin.




Likas na katangian na talaga ito ng maraming mga Pilipino. Tulad na lamang ng naging usap-usapan na “headline” ng isang kilalang pahayagan sa bansa kung saan sinabi dito na delikado sa nakakahawang sakit na COVID-19 ang mga matataba.

Marami ang natawa at tila ba tinamaan dahil nga sa lumipas na mga buwan ay wala naman talaga tayong ibang pinagkakaabalahan kung hindi ang pananatili sa ating mga tahanan at pagkain ng mga masasarap na putahe ng ulam o di kaya naman ay mga panghimagas. Sadyang napakasarap din naman kasi talagang kumain kasama ang iyong buong pamilya.


Sa halip na mabahala sa nakasaad na “headline” ay maraming mga netizens ang tila natatawa pa sa naging pahayag na ito. Marahil ay marami pang ibang mga isyu o kontrobersiyang kumakalat ngayon sa social media,sa radyo o sa telebisyon ngunit tila ba mas nabigyan ng atensyon ng marami sa atin ang patungkol sa mga matataba.


Bagamat naging biro o katatawan sa marami ang naturang “headline” marami din namang mga Pilipino ang pinag-iingat ang kanilang mga mahal sa buhay o kaibigan na matataba dahil sa hindi na rin naman lingid sa ating mga kaalaman na ang labis na katabaan ng katawan o ang labis na timbang ay mayroong mga negatibong naidudulot sa ating kalusugan at buong pangangatawan.


Kung kaya naman may pandemya man o hindi nararapat lamang na maging maingat tayo sa ating sariling kalusugan upang hindi na natin maranasan pa ang magkasakit o ang maospital.




error: Content is protected !!