Anak na isa na ngayong dentista, labis labis ang pasasalamat sa kaniyang ama na tricycle driver na siyang nagpaaral sa kaniya!



Sa panahon natin ngayon, hindi madali ang magtrabaho upang kumita ng pera na agad agad din namang mauubos dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin at sa napakadaming mga bayarin sa bahay man o sa eskwelahan. Ngunit sa kabila pala ng mga pagsubok at sakripisyong ito ay mayroon pa ring mga anak at mga magulang na talagang nagsusumikap at nagtitiyaga upang makamit ang kanilang pinakaaasam-asam na tagumpay.


Kamakailan lamang ay ibinahagi sa social media ng isang anak ang kaniyang labis na pasasalamat sa kaniyang ama na nagtaguyod sa kaniyang pag-aaral. Nakapagtapos na kasi sa kaniyang pag-aaral at isa na ngang ganap na dentista si Marga Santiago Suobiron.




Labis labis ang kaniyang pasasalamat sa kaniyang ama na talaga namang nagsumikap bilang isang magbubukid at tricycle driver upang mapagtapos silang magkakapatid sa kolehiyo. Ganap na nga siyang isang dentista habang pharmacist naman ang isa niyang kapatid.

Talagang nakakaproud at tiyak na magsisilbing inspirasyon ang kanilang kwento sa marami pang mga Pilipino na hanggang sa ngayon at patuloy pa ring nagsusumikap na makamit ang kanilang pinaka-aasam na tagumpay sa buhay. Ayon sa kwento ni Marga, nais niya talagang maging flight attendant noon ngunit nais naman ng kaniyang ina na maging isa siyang accountant tulad nito.



Walang interes si Marga sa Math kung kaya naman sinabi ng kaniyang ama na mag-dentista na lamang siya. Hindi siya pumayag noon una dahil sa batid niyang mahal ang kurso na ito ngunit ang sabi ng kaniyang ama ay hindi siya dapat mag-alala dahil pagsusumikapan nilang makapagtapos siya at ang kaniyang kapatid ng kanilang kolehiyo.


Kung kaya naman walang inaksayang oras at araw ang kaniyang ama, alas-kwatro pa lamang ng umaga ay bumabangon na ito at pumupunta sa bukid. Makalipas ang dalawang o tatlong oras ay babalik na ito sa kanilang bahay upang mamasada naman ng kaniyang tricycle.




Bawat sentimo ay mahalaga kung kaya naman hindi ito inaaksaya ng kaniyang mga magulang. Hindi na nakapagtatakang nakapagtapos sila ng kolehiyo ng kaniyang kapatid.

Mayroon din namang ilang mga taong tumulong para sa kanilang pag-aaral ngunit talaga namang labis ang pasasalamat niya sa kaniyang ama dahil sa pagsusumikap nito para sa pag-aaral nilang magkakaptid at sa buo nilang pamilya.




error: Content is protected !!