Bahay na aakalain mong simple lang sa labas mala-mansyon pala ang hitsura sa loob!



Ang sarap sa pakiramdam magkaroon ng sariling bahay at lupa. Lalo na kung ikaw ay “single” o wala pang asawa, tila ba isa itong napakalaking tagumpay para sa iyo. Kakaiba din naman ang saya at ligayang hatid ng pagkakaroon ng sariling bahay at lupa kung pinagtulungan niyo itong mag-asawa na makamit sa pamamagitan ng inyong pagsusumikap sa buhay.



Ngunit tulad din naman ng maraming mga indibidwal hindi lamang ganda at lawak ang ating ninanais kung magpapatayo tayo ng sarili nating tahanan, nais din nating maging ligtas ito hindi lamang mula sa mga kalamidad at sakuna kung hindi maging sa mga magnanakaw. Mayroon pa ngang sikat na kasabihan noon na mas mainam nang manakawan ang isang tahanan kaysa naman sa masunugan ito.


Kung ating titimbangin ang ganitong mga sitwasyon, mas mahirap nga talaga ang masunugan dahil sa halos lahat ng iyong mga pinagpaguran at pinaghirapan ay magiging abo na lamang sa isang kisap-mata. Samantalang kung halimbawang mananakawan ang isang sambahayan ay marami pang mga bagay ang maisasalba rito.


Ngunit sa kabila nito ay wala din namang magnanais na maranasan nila ang kahit isa man sa mga ito. Ito rin ang dahilan ng isang kliyente kung bakit siya nagpagawa ng isang bahay na hindi takaw tingin sa mga magnanakaw at simpleng simple lamang ang hitsura sa labas.

Ngunit nang ipakita ang ilang mga larawan ng interyor na disenyo nito ay talaga namang napakaganda at aakalain mo talaga na isa itong modernong tahanan. Ayon din sa arkitektong nagdisenyo ng naturang bahay ay tiyak na “low-key” lamang ang bahay na ito sa labas ngunit talagang bawing-bawi naman ang ganda nito sa loob.



Talaga namang umani ito ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa publiko. Mayroong iilan na labis na namangha at natuwa dahil sa naturang disenyo ng bahay habang ang ilan naman ay nagsabing hindi na lihim ang bahay na ito sa mga masasamang-loob o sa mga magnanakaw dahil sa post na ibinahagi nila sa social media ay tiyak na alam na ng mga magnanakaw ang kanilang gagawin.




error: Content is protected !!