Buhay ng dating sikat na child actor noon na si Joshua Dionisio, kinagulat ng publiko!



Si Ralph Joshua Dela Cruz Dionisio o mas nakilala ng publiko bilang si Joshua Dionisio ay 25 taong gulang na aktor at dating sikat na child actor. Una siyang hinangaan ng publiko bilang si Ken Pamintuan sa “Super Inggo” at ang batang Cholo sa Philippine remake ng “Stairway to Heaven”.


Isa siya sa pinasikat na aktor ng kaniyang henerasyon. Walong taong gulang lamang siya noon ng magsimula siyang sumabak sa industriya ng show business.




“Charming” at “cute” kung ilarawan siya ng marami niyang mga tagasuporta at tagahanga. Nabigyan din siya ng marami pang mga proyekto sa pelikula at telebisyon tulad na lamang halimbawa ng “Maria Flordeluna” kung saan gumanap siya bilang ang nagmamahal kay Maria.


Nagkaroon din siya ng lead role sa “Kung Fu Kids” at maging sa isang episode ng “Maalaala Mo Kaya” na pinamagatang “Sako”, sa naturang pagganap ay nagwagi din siya ng isang parangal mula sa PMPC award taong 2008. Matapos nito ay mas marami pang mga proyekto ang kaniyang nagawa katambal si Barbie Forteza.



Nakagawa sila ng ilang mga programa tulad na lamang ng “Pilyang Kerubin” at “Tween Hearts”. Sa ngayon, madalas na makita sa social media account ng aktor ang mga sweet na larawan nila ng kaniyang non-showbiz girlfriend.

Marami ang nakapansin na wala pa ring nagbago sa angking kagwapuhan nito at mas naging mas makisig pa. Ayon sa ilang mga ulat ay taong 2018 nang sila ay magsimulang mag-date.


Naging guest din siya kamakailan lamang sa “Bawal Judgemental” segment ng “Eat Bulaga!”. Tunay nga na hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang humahanga at sumusuporta kay Joshua sa kabila ng hindi nito pagiging aktibo sa harap ng kamera ng mga nagdaang taon.


Ngunit paminsan-minsan ay nagkakaroon pa rin siya ng mga TV guestings kung saan natutuwa ang kaniyang mga tagahanga dahil sa muli na naman nilang nasilayan ang paborito nilang aktor mula noon hanggang sa ngayon.






error: Content is protected !!