Gladys Guevarra, isa na ring online seller sa gitna ng pandemya!



Maraming mga Pilipino ang talagang sinubok nang mga nagdaang kalamidad, sakuna, at pandemya. Ngunit hindi ito naging dahilan upang tuluyan silang sumuko at manghina sa buhay.

Mas maraming mga Pilipino ang naging madiskarte at maparaan sa gitna ng pandemya para sa kanilang mga mahal sa buhay. Batid naman ng marami sa atin na dahil sa pandemyang kinakaharap ng maraming mga bansa sa buong mundo ay marami ding mga tao ang nawalan ng mga trabaho at mga negosyong kinailangang magsara ng pansamantala o nang tuluyan dahil sa pagkalugi.



Isa na marahil si Gladys Guevarra sa mga taong naapektuhan ng kawalan ng trabaho o “raket” dahil sa COVID-19. Isang mahusay na komedyante at mang-aawit si Gladys ngunit dahil nga sa pandemya ay talagang kinailangang magsara ng pinagtatrabahuhan niyang comedy bar na pagmamay-ari ni Allan K, ang Klownz at Zirko.


Napakahirap mawalan ng pagkakakitaan o ng trabaho lalo na sa mga panahong ito ngunit sa halip na panghinaan ng kalooban ay nakahanap ng ibang paraan ang mahusay na komedyante upang magkaroon ng mapagkakakitaan. Sa ngayon ay nagtitinda siya ng kakanin tulad na lamang ng cheese puto, palitaw yema at salted eggs.


Hindi ito kinakahiya ni Gladys at proud pa niyang ibinabahagi sa social media ang masasarap niyang mga niluluto. Hindi lamang siya nasisiyahan sa pagluluto dahil sa hilig niya ito kundi kahit papaano ay kumikita rin siya at nasasarapan pa ang kaniyang mga suki.



Ngunit tila marami talagang mga tao ang walang ibang magawa sa buhay kung kaya naman kahit ang kaniyang pagtitinda ay minamasama pa ng mga ito. Ayon sa isang netizen ay hindi dapat siya nagtitinda na lang dahil sa isa siyang artista.

Ayon naman kay Gladys ay wala namang masama sa kaniyang ginagawa at hindi rin naman naging requirement kahit noon pa ang estado ng isang tao o propesyon para lamang makapagtinda.




error: Content is protected !!