Ivana Alawi inalok ng isang private jet ride papuntang Japan ng isa niyang mayamang manliligaw!



Maraming mga Pilipino ang tiyak na sasang-ayon na sa ating kinalakihang kultura dito sa Pilipinas kinakailangan munang suyuin ng isang lalaki ang isang babae na kaniyang natitipuhan upang makuha ang atensyon at loob nito. Kahit naman sa ngayon na moderno na ang pamumuhay ng marami sa atin, hindi pa rin nawawala ang ganitong kaugalian sa marami sa atin.



Maraming mga lalaki ang gumagawa pa rin nito hanggang sa ngayon ngunit tila hindi yata ito tumatalab sa sikat na aktres, sexy star at YouTuber na si Ivana Alawi. Naibahagi niya kasi sa isa sa kaniyang mga vlogs na hinding-hindi siya makukuha ninuman sa pamamagitan lamang ng mga materyal na bagay o ng kahit gaano pa kalaking kayaman.

Ayon sa 23 taong gulang na sexy actress, nagpost siya noon sa kaniyang social media account na gustong-gusto niyang kumain ng Japanese food kung kaya naman agad siyang pinadalhan ng mensahe ng kaniyang manliligaw na kung gusto niya ay susunduin siya nito ng isang private jet upang makakain sila ng Japanase food sa Japan mismo.



Agad namang sinagot ni Ivana ang kaniyang maliligaw na kaya naman niyang makakain ng gusto niyang pagkain dito sa Pilipinas dahil mayroon din namang mga Japanese restaurants dito kung kaya hindi na niya kakailanganin pang pumunta ng ibang bansa.


Pahayag pa ng aktres, nagulat ang kaniyang manliligaw dahil sa naging pagtanggi nito sa kaniyang alok. Nanindigan naman si Ivana na hindi siya yung tipo ng babae na materyal na bagay o pera lamang ay agad nang papayag sa kung ano pa mang gusto ng kaniyang manliligaw.

Agad daw niyang ni-reject ang kaniyang manliligaw dahil sa kayabangan nito. Talaga namang mas marami pang humanga kay Ivana dahil sa pagiging simple niya at totoo sa kaniyang sarili.

Marami mang mga kababaihan sa ngayon ang tila nakakalimutan na ang kanilang kahalagahan bilang isang babae, pinatunayan naman ni Ivana na nasa sa atin pa rin ang huling desisyon lalo na kung patungkol sa mga ganitong klase ng bagay kung saan talagang masusukat ang pagmamahal at pagpapahalaga mo sa iyong sarili.




error: Content is protected !!