Jason Francisco, ipinasilip ang simple ngunit komportableng pamumuhay nito sa probinsiya!



Sa panahon natin ngayon, maraming mga Pilipino ang talagang nagnanais na manirahan sa probinsiya. Ilan sa mga pangunahing kadahilanan ay ang pagkakaroon ng sariwang hangin, at sariwang mga prutas, gulay at iba pang pagkain.



Sa probinsiya din mas makikita at mararanasan ang pagbabayanihan at pagtutulungan ng mga magkakanayon o magkakapit-bahay. Mayroon ding mga bagay na nakagawian na sa probinsiya ang hanggang sa ngayon ay ginagawa pa rin ng nakararami.

Tulad na lamang halimbawa ng panghihingi ng ilang mga bungang prutas mula sa kapitbahay ng libre at wala nang bayad o di kaya naman ay ang pag-aabot ng lutong ulam sa iyong kapitbahay kahit pa walang okasyon. Talaga namang nakakamiss ang mga ganitong klase ng gawain sa probinsiya.




Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na ito ang maging content ng vlog ng aktor at komendyanteng si Jason Francisco. Kamakailan lamang ay ipinasilip niya sa mga netizens ang simple ngunit komportable nitong pananatili sa kanilang probinsiya.



Ayon sa kaniya, basta marunong ka lamang dumiskarte at masipag ka, tiyak na hindi ka magugutom sa probinsiya. Napakarami din nilang mga puno at iba pang halaman na hitik na hitik sa bunga tulad na lamang halimbawa ng malunggay, okra, papaya, sili, kalabasa, langka, ampalaya, camias, caimito at marami pang iba.

Namitas din ng mga Avocado sina Jason kasama ang ilan sa kanilang mga katiwala roon tulad na lamang ni Ate enie na kanilang caretaker at Ate Nora na kanilang cook. Tunay nga na napakasarap mamuhay sa probinsiya kung kaya naman hindi na nakapagtataka na mas marami pa sa atin ang nangangarap na magkaroon ng tahanan sa probinsiya at dito na magretiro kasama ang kanilang pamilya.

Maaaring mas maraming benepisyo ang pagtira sa siyudad ngunit wala pa rin talagang makahihigit sa buhay probinsiya mula noon hanggang sa ngayon. Ikaw, gusto mo rin bang manirahan sa probinsiya?






error: Content is protected !!