Kilalanin ang “Top 10 Richest Filipino Youtuber of 2020”!



Ang paggawa ng mga YouTube vlogs ang isa sa pinagkakaabalahang gawin ng maraming mga Pilino lalo na ng mga sikat na artista o personalidad. Mayroon silang iba’t-ibang mga content at viewers ngunit karamihan sa kanila ay talagang nagiging matagumpay at mayaman sa larangan na ito.

“Easy money” kung ilarawan ng iba, habang “passion” at pagtulong naman sa ibang tao ang dahilan ng paggawa nila ng kanilang mga YouTube channels. Sa ngayon ay marami na ring nakikilala sa larangan na ito at ilan sa kanila ay talagang nakaaangat na sa buhay.



Narito ang “Top 10 Richest Filipino YouTube vlogger” ngayong taong 2020:

10.Cadena Vlogs ni Lloyd Cafe



Si Lloyd Cafe ay nakapagtapos ng kursong Financial Management sa Colegio de San Juan de Letran. Sa ngayon ay mayroon na siyang 5.13 million subscribers at 554 na mga videos.

9.Alex Gonzaga



Si Alex Gonzaga o si Catherine “Cathy” Gonzaga sa tunay na buhay ay isang sikat na host, komedyante, aktres, singer, author, entreprenyur, at vlogger. Siya rin ang nakababatang kapatid ng aktres at host na si Toni Gonzaga. Mayroon na siyang higit sa 7.85 na subscribers sa kaniyang YouTube account.

8.Keith Talens




Si Keith Talens ay isang estudyante at isang vlogger na mayroon nang 2.57 million subscribers at 395 na mga videos.

7.Cong TV


Taong 2013 nang simulan ni Cong TV ang kaniyang pagiging YouTube vlogger. Marami siyang mga nakakatuwang video at mga videos na talagang nagsisilbing inspirasyon sa maraming mga manunuod lalo na patungkol sa pagsusumikap at pagiging determinada sa buhay sa kabila ng kahirapan at marami pang mga pagsubok. Mayroon na siya ngayong higit sa 5.93 na mga subscribers at 324 na mga videos.

6.Bretman Rock




Si Bretman Rock ay 21 taong gulang pa lamang, naninirahan sa Hawaii nang halos pitong taon na. Mayroon na siyang higit sa 7.65 milyong mga subscribers at 112 na mga videos.

5.Ranz Kyle

Isa siyang social media personality na talagang hinahangaan ng maraming mga kabataan sa ngayon. Mayroon din siyang pambihirang talento pagdating sa pagsasayaw kung kaya naman hindi na nakapagtatakang magkaroon siya ng higit sa 12.3 milyong subscribers at 331 na mga videos.

4.Niana Guerrero


Sumikat si Niana sa mga TikTok videos nito at sa nakakabilib niyang mga dance moves. Siya rin ang nakababatang kapatid ng isa pang sikat na YouTuber na si Ranz Kyle. Mayroon na siyang higit sa 11.2 milyong subscribers at 226 na mga videos.

3.JaMill


Nakilala naman ang tambalang JaMill sa kanilang prank videos. Ang kanilang tambalan ay binubuo ni Jayzam Lloyd Manabat at Camille Trinidad. Mayroon na sila ngayong higit sa 10.4 milyong mga subscribers at nakagawa na rin sila ng 536 na mga videos.

2.Guava Juice/Roi Fabito


Si Roi Fabito o si Guava Juice (dating nakilala bilang si Roi Wassabi) ay isang Filipino-American vlogger na nakilala sa kaniyang mga challenge videos. Mayroon na siyang 15.7 milyong subscribers at higit sa 1,500 na mga videos.

1.Raffy Tulfo in Action


Si Raffy Tulfo ay isang sikat na mamamahayag at host na buong pusong tumutulong sa mga taong nangangailangan, sa mga taong naaagrabyado, at sa mga taong pinagsamantalahan ng kanilang kapwa. Mayroon na siyang higit sa 13 milyong mga subscribers at higit sa 4,900 na mga videos.




error: Content is protected !!