Bangs Garcia isinilang na ang ikalawang anak nila ng mister na si Lloydi!



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang napakaganda at nakakabighaning “maternity photoshoot” ni Bangs Garcia. Talaga namang lutang na lutang pa rin ang angking kagandahan ng aktres.

Dati nang hinangaan ng publiko si Bangs dahil sa pagiging mahusay nitong aktres sa ilang mga pelikula at programa sa telebisyon na nagawa nito. Ngunit mas pinili nitong mamuhay ng tahimik kasama ang kaniyang anak at asawa.




Napangasawa ng dating aktres si Lloyd Birchmore na isang Filipino-British na negosyanteng nakabase sa United Kingdom. Taong 2017 ay biniyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang Amelia.

Tatlong taon pa nga ang lumipas at muli na namang nadagdagan ang kanilang munting pamilya. Isinilang na kasi ni Bangs ang kanilang ikalawang anak nito lamang Hulyo 21, 2020.


Isabella ang ipinangalan nila sa kanilang sanggol. Masayang ibinahagi ni Bangs sa kaniyang social media ang napakagandang balita noong araw na iyon sa ganap na ika-9:30 ng umaga.

Naging matagumpay ang pagsisilang ni Bangs na mababakas din naman sa tamis ng ngiti nilang mag-asawa. Ayon pa sa dating aktres, magkasing-timbang si Amelia at Isabella nang sila ay isilang niya.


Pareho silang may timbang na 7.8 lbs. Hindi naging madali para sa kaniya ang naging pagbubuntis niya kay Baby Isabella ngunit sa kabila nito ay talaga namang malaki pa rin ang kaniyang pasasalamat dahil sa naging matiwasay ang kaniyang pagsisilang at ligtas silang mag-ina.

Tunay nga na walang makakapapantay sa saya at ligayang nadarama ngayon ng pamilya dahil sa wakas ay kapiling na nila si baby Isabella. Ang pagkakaroon ng masaya at kuntentong pamilya ay isa sa pinakamagandang biyaya na mararanasan natin sa ating buhay.



Hindi lahat ay nabibigyan ng pambihirang pagkakataon na ito kung kaya naman nararapat lamang na maging responsable, masaya, kuntento at matuto tayong magpasalamat sa mga biyayang ito. Tulad na lamang ng pamilya nina Bangs at Lloydi na sa ngayon ay muling nadagdagan ng isa pang anghel.




error: Content is protected !!