Categories: Viral

Tatay hinayaang malasing ang kaniyang rebeldeng anak upang matuto ito ng leksyon!

Walang ibang nais ang mga magulang kung hindi ang ikakaayos ng buhay ng kanilang mga anak. Sa kabila ng maraming mga pagsubok at sakripisyo sa buhay ay talaga namang nagsusumikap pa rin ang maraming mga magulang para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Kung kaya naman talagang napakasakit para sa mga magulang lalo na kung nagrerebelde ang kanilang mga anak. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa publiko ang kwentong ito na ibinahagi ng isang Japanese na si Reiko.

Ayon sa kaniyang naging pagkukwento, sadyang matigas ang ulo at rebelde siya noong kaniyang kabataan kung kaya naman hirap na hirap talaga ang kaniyang mga magulang kung paano siya didisiplinahin. Ngunit nagkaroon ng napakagandang ideya ang kaniyang ama kung paano siya matuto ng leksyon nang hindi siya nililimitahan o pinaghihigpitan ng husto.

Inalok siya ng kaniyang ama noon na uminom sila sa kahit saang lugar niya gusto at kahit anong nais niya ay maaari niyang orderin. Marahil marami sa mga kabataan ngayon ang hindi papayag sa alok na ito ng kanilang magulang ngunit mahirap itong tanggihan para kay Reiko dahil gustong-gusto niya talagang subukan at maranasan ang ganitong klaseng gawain lalo na dahil sa kaniyang edad.

Kung kaya naman kalaunan ay pumayag na rin siya. Una na silang nagtungo sa isang “meat-grilling restaurant”. Inakala pa nga ng ilang mga staff ng naturang kainan na nobya siya ng kaniyang ama ngunit hinayaan lamang ito ng kaniyang ama at nagpatuloy na lamang sila sa pagkain. Sunod nilang pinuntahan ang isang “night club”.

Uminom ng alak si Reiko habang ang kaniyang ama ay nakangiti lamang sa kaniya. Nagtungo naman sila sa isang “sushi bar” pagkatapos.

May halong selos at inggit naman ang “chef” ng naturang bar dahil sa bihira na lang talaga sa ngayon ang ama at anak na nagkakaroon ng pagkakataong kumain ng magkasama. Hindi na naalala pa ni Reiko ang mga sumunod na nangyari dito dahil sa labis na kalasingan.

Huli nilang pinuntahan ang isang “snack bar”. Wala na talaga siyang naaalala dito at sa palagay ni Reiko ay tuluyan na siyang nawalan ng malay. Nang kinaumagahan ay hindi na niya naabutan pa ang kaniyang ama dahil sa pumasok na ito sa kaniyang trabaho, ngunit nag-iwan ito ng liham para sa kaniya na nagsasabing naging masaya siya sa ginawa nilang mag-ama ngunit dapat niyang tandaan ang kaniyang limitasyon lalo na sa pag-inom ng alak dahil sa maraming mga masasamang loob ang maaaring magsamantala sa kaniya sa labas ng kanilang tahanan at maaaring wala ang kaniyang ama sa kaniyang tabi upang maprotektahan siya.

Source: EliteReaders

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago