Ethel Booba bilang isang “first time mom”: “Ibinigay talaga siya ni Lord.”



Si Ethyl Gabison o mas nakilala ng publiko bilang si Ethel Booba ay isang kilalang personalidad sa industriya ng show business, isa rin siyang author, singer, at mahusay na komedyante. Tinagurian din siyang “Twitter Goddess” ng maraming mga Pilipino.

Kamakailan lamang ay ibinalita niya sa publiko ang kaniyang pagbubuntis at sa ngayon nga ay kapiling na nila si Baby Michaela. Ibinahagi ng sikat na komedyante sa publiko ang isa sa pinakamagandang biyaya na natanggap niya ngayon, ang pagiging isang ina.

“Kasi dati may mga nang-iintriga sa akin na actually mga kamag-anak ko sinasabi na baog daw ako ganyan. Pero hindi ko lang sinasabi sa kanila na meron din akong problema, ayoko din sila mag-worry.” Pahayag ni Ethel sa naging panayam sa kaniya sa “I Feel U” ng ABS-CBN.

Ayon pa kay Ethel, naging masaya na siya noon dahil sa kaniyang mga pamangkin na inaalagaan niya. Madalas ay sa kaniya lumalaki ang mga pamangkin niyang ito ngunit kapag lumaki na sila ay umaalis na rin sila at iniiwan siya. Kung kaya naman napagod na rin siya kalaunan.




“Before… Pero nung nagkasunod sunod na ‘yung mga pamangkin ko ako na ‘yung naging nanay nila. So napagod rin ako sa pag-aalaga, sa akin pinapa-ampon tapos pag malaki na aalis na. Ganun ang naging relationship ko sa mga pamangkin ko,” Pahayag ng aktres.

Kung kaya naman ng nabigyan na siya ng pagkakataong maging isang ganap na ina sa kaniyang anak na si Michaela, nangako siya sa kaniyang sarili na magiging mabuti siyang ina at palalakihin ng maayos ang kaniyang anak.
“Actually si Michaela, (nagpabago) talagang dumating na talaga siya sa akin. Ewan ko… Kasi iniisip ko rin talaga lately na parang grabe ‘yung pagta-trabaho ko, trabaho ako nang trabaho para akong tanga parang wala naman ako pamamanahan. Kaya nung dumating siya, iniingatan ko talaga siya at ibinigay talaga siya ni Lord.” Pagbabahagi pa ng komedyante.

Ang anak nina Ethel at Chef Jessie Salazar na si Michaela ay isinilang nito lamang Pebrero 14, 2020. Tunay nga na hindi mapapantayang kaligayahan ang dulot niya sa kaniyang mga magulang.




error: Content is protected !!