Donnalyn Bartolome, nag-alaga ng ahas sa loob ng isang araw!



Si Donnalyn Jereos ay 26 taong gulang na YouTube video blogger, singer, songwriter, rapper at aktres. Marami ang humahanga sa kaniya dahil sa nakamamangha niyang mga talento at sa angkin niyang kagandahan.



Ilan sa mga pinasikat niyang kanta ay ang “Di lahat”, Happy Breakup”, at “Kakaibabe”. Hindi na rin mabilang ang mga taong sumusubaybay sa kaniyang karera at sa kaniyang mga vlogs.

Kamakailan nga lamang ay nagkaroon siya ng “Dare Donna segment” sa kaniyang YouTube channel kung saan matapang niyang hinarap ang kaniyang takot sa mga ahas. Nag-alaga lang naman kasi siya ng isang napakalaking ahas sa loob ng isang araw!


Ayon sa kaniya, natatakot talaga siya at kinakabahan noong una dahil sa hindi pa niya talaga ito nagagawa noon pa man ngunit sa ngayon ay kinakailangan na niyang harapin ang kaniyang kinatatakutan upang maging matagumpay ang hamon sa kaniya na ito. Ang kaniyang viral video ay binigyan niya ng pamagat na “Baby sitting my friend’s snake for a day!!! (Not For The Weak Heart.


Agad namang humakot ng mga views ang latest vlog na ito ni Donnalyn na mayroon nang higit sa kalahating milyon mula noong Sabado kung kailan niya unang pinost ang naturang video sa kaniyang YouTube channel.


“I took care of a PYTHON for a day! One of the scariest things I’ve done! But one of the most memorable time too.” Pahayag ni Donna.



Kulay dilaw at puti ang ahas na mayroong pangalan na “B”. Tulad ng pag-aalaga sa isang bata ay nakipaglaro dito si Donnalyn, pinakain niya, binasahan ng libro, at natulog din siya sa kaniyang kama katabi ang dambuhalang ahas na ito.

Sa kabilang banda, labis namang nagulat ang kaniyang ina nang makita ang naturang ahas dahil katulad niya ay takot din pala ito sa ahas. Umani din ito ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa mga netizens.




error: Content is protected !!