Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ginanap ang delayed honeymoon nila sa Amanpulo!



Si Sarah Asher Tua Geronimo-Guidicelli o mas nakilala ng marami bilang si Sarah Geronimo ay 32 taong gulang na singer, dancer, aktres at record producer. Taong 2002 nang magningning ang kaniyang bituin at manalo siya sa sikat na singing contest noon na “Star for a Night”.

Nang panahon ding iyon nai-release ang kaniyang album na “Popstar: A Dream Come True”. Tunay nga na kahit ilang taon na ang lumipas ay wala pa ring kupas ang angkin niyang husay sa pag-awit at sa pagsasayaw.

Kung kaya naman hindi na nakapagtatakang mas lalo siyang minamahal at hinahangaan ng publiko. Nasorpresa man ang publiko dahil sa naging sikreto at simpleng pagpapakasal ni Sarah at ng kaniyang longtime boyfriend na si Matteo ay mas marami pa rin ang sumuporta sa kanilang pagmamahalan.

Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan sa social media ang larawan ng mag-asawa kung saan nagtungo sila sa Amanpulo para sa kanilang naantalang “honeymoon”. Sweet na sweet ang dalawa matapos nilang magtanim ng puno sa kilala at mamahaling destinasyon na ito.




Nagbahagi din ng ilan pang mga larawan ng mag-asawa si Dra. Vicki Belo. Kasabay kasi ng kaarawan ni Sarah noong Hulyo 25 ay pinagdiwang na rin nilang mag-asawa ang ikalimang buwan ng kanilang pagiging mag-asawa noong ika-20 araw ng Hulyo.


Maraming mga netizens na nga rin ang nasasabik nang masilayan ang magiging mga supling ng celebrity couple sa mga darating pang taon. Talaga namang mababakas sa kanilang mga ngiti at mga mata ang labis na kaligayahan dahil sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa.


Sa kabila ng mga isyu at kontrobersiyang kinakaharap ng mag-asawa ay talaga namang marami pa rin ang sumusuporta, nagmamahal at humahanga sa kanila. Hindi lamang sa matatag at matamis nilang pagmamahal kung hindi maging sa kanilang pananampalataya sa Diyos at sa kanilang mabuting pamumuhay.

Huwaran silang mag-asawa para sa maraming mga Pilipino.




error: Content is protected !!