Usap-usapan ngayon sa social media ang mga larawang ito ng mga kilala nating personalidad noong kanilang kabataan.



Maraming mga netizens ang namangha at nagkomento sa mga larawan na ito ng mga kilala nating personalidad sa Pilipinas. Mayroong mga sikat na aktres, mang-aawit, aktor at ilang mga pulitiko. Narito ang ilan sa kanilang mga lumang larawan:

Gringo Honasan




Si Gregorio Ballesteros Honasan II o mas nakilala ng marami bilang si Gringo Honasan ay isang 72-anyos na retiradong Philippine Army officer na nanguna noon sa isang kudeta sa ilalim ng pamamahala ng dating presidente Corazon Aquino. Naging bahagi din siya noong 1986 sa EDSA Revolution laban kay dating presidente Ferdinand Marcos.

Kris Aquino



Si Kristina Bernadette Cojuangco Aquino o mas nakilala sa kaniyang screen name na Kris Aquino ay 49 na taong gulang na aktres, host, producer, product endorser and businesswoman. Binansagan din siyang “Queen of All Media” dahil sa dami ng kaniyang mga matagumpay na mga programa sa telebisyon.


Ian Veneracion


Si Stephen Ian Lopez Veneración ay 45-anyos na aktor, piloto, mang-aawit at atleta. Labis siyang hinangaan noon hanggang sa ngayon dahil sa angkin niyang kagwapuhan at kakisigan.

Sheryl Cruz


Si Sheryl Rose Anna Marie Sonora Cruz o si Sheryl Cruz ay isang sikat na aktres at mang-aawit sa bansa. Isa rin siya sa pinakahinahangaan na kontra-bida sa maraming mga pelikula at programa sa telebisyon ngayon.

KC Concepcion


Si Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion ang 35 taong gulang na anak nina Gabby Concepcion at Megastar Sharon Cuneta. Kilala siya bilang isang mahusay na aktres at mang-aawit sa Pilipinas.

Charito Solis

Ang namayapang aktres na si Rosario Violeta Solís Hernández ay mas nakilala ng publiko bilang si Charito Solís. Ilan sa mga napanalunan niyang karangalan noon ay ang FAMAS at Gawad Urian Award. Siya rin ang kauna-unahang aktres na nagpakita ng dibdib sa pelikula.

Alfie Anido


Si Alfonso Serrano Anido o Alfie Anido ay isa sa pinakasikat na matinee idol noon. Ngunit sa kasamaang-palad ay pumanaw siya sa edad na 22 taong gulang lamang.

Maricel Soriano


Si Maricel Soriano ay 55 taong gulang na aktres sa bansa. Tinagurian siyang “Diamond Star” ng Pilipinas dahil sa pambihirang husay niya sa kahit anong klase ng pelikula tulad na lamang ng comedy, fantasy, horror, suspense, action, romance at drama.

Rayver Cruz


Si Raymond Oliver Cruz Ilustre o mas nakilala ng publiko bilang si Rayver Cruz ay 31 taong gulang na aktor, mananayaw at mang-aawit.

Pilita Corrales


Si Pilar Garrido Corrales ay 80 taong gulang na Pinay pop singer-songwriter, aktres, komedyante at host. Binansagan siyang “Asia’s Queen of Songs” at talagang hinangaan dahil sa kaniyang bersyon ng “Kapantay Ay Langit” na naging popular na rin niyang kanta kalaunan.

Romnick Sarmienta


Si Romeo Nicolas Sarmenta Tejedor ay 48 taong gulang na aktor na una nang nakilala bilang ang 5 taong gulang na si Peping ng “Gulong ng Palad”.

Rosemarie Sonora


Siya ay dating sikat na aktres at ina ng batikang kontrabida na si Sheryl Cruz.

Mar Roxas


Si Manuel “Mar” Araneta Roxas II ay 63 taong gulang na pulitiko na naging senador na din ng bansa. Apo siya ng dating presidente Manuel Roxas at nagsilbi na rin bilang DILG secretary mula 2012 hanggang 2015. Naging secretary din siya ng DTI noong 2000-2003 at DOTC mula 2011-2012.

Carmina Villaroel


Si María Carmina Muñiz Villarroel Legaspi o mas nakilala ng publiko bilang si Carmina Villarroel o Carmina Villarroel Legaspi ay isang kilalang Filipina actress, television presenter, at dating modelo. Sa kabila ng kaniyang edad ay angat na angat pa rin ang angkin nitong kagandahan at balingkinitang pangangatawan.

Jodi Sta. Maria


Si Jodi Chrissie García Santamaria ay 38 taong gulang na aktres na hinangaan ng marami dahil sa pambihirang husay at galing nito sa pag-arte.

Mayor Isko Moreno

Si Francisco Moreno Domagoso o si Yorme Isko Moreno ay isang dating aktor at kasalukuyang alkalde ng Maynila. Hindi lamang siya hinahangaan dahil sa angkin niyang kagwapuhan at husay sa pag-arte ngunit marami din ang humahanga sa kaniya dahil sa kaniyang pagiging mahusay na alkalde ng kaniyang nasasakupan.




error: Content is protected !!