Inabandonang bata noon na sa kalye nakatira, isa nang matagumpay na siyentipiko ngayon sa Estados Unidos!



Maraming mga taong matatagumpay na sa ngayon ang nakaranas din ng hirap noon. Tulad na lamang halimbawa ng isang Scientist na ito na isa palang batang kalye noon.


Kung noon ay talagang hirap na hirap siya buhay bilang isang musmos, ngayon ay isa na siyang matagumpay na siyentipiko sa ibang bansa. Siya ay nakilala ng publiko bilang si Fernando Kuehnel.



Anim na taong gulang pa lamang siya noon ay hindi na niya kapiling ang kaniyang mga magulang, inabandona siya at ang kaniyang kapatid at iniwanan sa isang bahay-ampunan. Makalipas ang apat na taon, sa edad na 10 taong gulang ay tumakas siya sa bahay-ampunan at nanirahan sa lansangan.


Sa kariton lamang siya natutulog habang sa basurahan naman siya kumukuha ng kaniyang pagkain. Sa edas na 13 taong gulang ay bumalik siyang muli sa bahay-ampunan dahil sa nabalitaan niyang mayroong Amerikanong aampon sa kaniyang kapatid at dadalin na ito sa Amerika.


Hindi naging maganda ang naturang pag-ampon kung kaya naman ibinalik din ang kapatid niya sa bahay-ampunan. Isang araw ay mayroong magandang balita na natanggap ang magkapatid dahil sa nais silang ampunin ng pamilya Kuehnel at dalhin sa Amerika.


Mapalad ang magkapatid dahil sa hindi sila tinuring na iba ng kanilang foster parents, pinag-aral din sila ng mga ito. Kumuha si Fernando ng kursong Nursing habang Business Administration naman ang pinag-aralan ng kaniyang kapatid.



Pareho silang nagtapos bilang mga Summa Cum Laude. Makalipas pa ang ipang mga taon ay naging isang Clinical Scientist na nga si Fernando sa Novartis.

Sa ngayon ay mayroon na siyang sariling pamilya at naninirahan sila sa Dania Beach, Florida. Tunay nga na kahit anong hirap ang pagdaanan mo sa buhay, darating at darating din ang panahon na makakatanggap ka ng biyaya mula sa Diyos na magbabago ng iyong buhay.


Kung kaya naman para sa maraming mga taong nahihirapan at dumaranas ng pagsubok sa ngayon, patuloy pa rin tayong magtiwala sa Diyos at maging mabuting tao dahil sa darating din ang panahon na giginhawa rin naman ang ating buhay.




error: Content is protected !!