Jinkee Pacquiao pinasilip sa kaniyang mga followers ang napakaganda nilang private beach resort!



Dahil sa maraming mga request ang natatanggap ni Jinkee patungkol sa kanilang pribadong beach resort ay tuluyan na nga niyang pinaunlakan ang publiko at ibinahagi na niya ito sa kaniyang vlog. Kamakailan lamang ay napabalitang nagbalik na nga sa Sarangani ang pamilya Pacquiao.


Kung kaya naman marami talaga sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta ang nagnanais na makita ang kanilang simple at komportableng pamumuhay sa probinsiya. Ngunit hindi na rin naman lingid sa ating kaalaman ang tagumpay ng pamilyang ito na naging dahilan upang makapagpundar sila ng maraming mga ari-arian at mga negosyo.




Nauna nang pinahayag ni Jinkee na hindi niya nais ipagmayabang ang kanilang private beach resort dahil ang nais niya lamang ay pagbigyan ang mga taong humihiling nito. Ilang linggo pa lamang ang nakakalipas nang maging kontrobersiyal ang hindi magandang komento ng aktres na si Agot Isidro kay Jinkee dahil sa diumano ay pagiging insensitibo nito sa pagbabahagi ng mga mamahaling pagmamay-ari nilang mag-asawa sa kabila ng paghihirap na kinakaharap ng maraming mga Pilipino.


Ang kanilang sariling resort ay malapit sa beach, mayroon din itong dalawang “villa”, isang pool, isang multi-purpose hall at “gazebo” kung saan mo matatanaw ang karagatan. Dalawa ang kanilang “villa” para sa pamilya ni Manny at pamilya ni Jinkee na nagnanais manatili sa kanilang private resort ng ilang mga araw.


Inilarawan din ito ni Jinkee bilang “little slice of paradise”. Ipinasilip din ng social media personality ang ilan pang bahagi ng kanilang resort tulad na lamang ng “master’s bedroom”, “bathroom”, at “function room”.


Maraming mga netizens ang talagang namangha dahil sa napakagandang private beach resort ng pamilya Pacquiao. Sino ang mag-aakala na dati ay naging mahirap din ang kanilang pamumuhay.


Ngunit sa kabila nito ay patuloy pa rin silang nagsumikap upang makamtan ang tinatamasa nilang tagumpay at kasaganahan ngayon. Hindi rin nila nakakalimutang tumulong sa mga taong nangangailangan lalo na sa kapwa nila mga Pilipino.






error: Content is protected !!