Mag-asawa nagtitiis lang sa paketeng corned beef at pancit canton noon, ngayon ay mayroon na silang sariling kompanya!



Sa buhay napakaraming mga pagsubok ang darating sa atin at ating mararanasan. Marami sa mga pagsubok, sakripisyo at paghihirap na ito ay talagang susubok sa iyong katatagan at pananampalataya.



Ngunit sa kabila ng mga bagay na ito ay talagang marami pa rin naman sa atin ang nagtatagumpay sa buhay. Tulad na lamang ng mag-asawa na ito na nakaranas din ng maraming mga paghihirap sa buhay bago makamtan ang karangyaan at tagumpay na nararanasan nila sa ngayon.

Sila ay nakilala bilang sina George at Chin na founder ng SureTrust Corp Group. Ibinahagi nila sa social media kung paano sila nagsimula at paano nila nakamtana ang tinatamasa nilang tagumpay sa ngayon.



Ayon sa mag-asawa, sumasahod lamang ng “minimum wage” noon si Chin. Habang si George naman ay pinasok na rin ang pagtitinda ng “siomai”, “pizza roll”, at “hotdog bun” para lamang makaraos sila sa araw-araw.




Noon, maraming mga tao ang humuhusga at kumukutya sa kanila dahil sa kanilang pamumuhay ngunit sa kabila nito ay hindi sila nagpatinag at mas lalo pa silang nagsumikap sa buhay. Naranasan din nila noon na kumain lamang ng corned beef na nasa pakete at “pancit canton” para lamang makaraos sa isang araw.


Ayon pa sa mag-asawa, tanging ang isa’t-isa lamang ang pinaghuhugutan nila ng lakas ng loob at determinasyon. Umaasa sila na balang araw ay magbubunga rin ang kanilang mga paghihirap at pagsasakripisyo.

Nguynit makalipas ang ilan pang mga taon nang kanilang pagsusumikap sa buhay bilang mag-asawa ay unti-unti na nilang inaani ang bunga ng kanilang pagpapagal. Mayroon na kasi silang sariling kompanya sa ngayon, mayroon din silang malaki at komportableng tahanan na pagmamay-ari na talaga nila, mayroon din silang ilang mga sasakyan at masayang namumuhay kasama ang kanilang minamahal na anak na babae.

Tunay nga na sa kabila ng maraming mga paghihirap at sakripisyo sa buhay ay makakaranas din naman tayo ng ginhawa sa buhay lalo na kung hindi tayo susuko at bibigay kaagad sa maraming mga problemang kakaharapin natin sa buhay.






error: Content is protected !!