Mga artistang mapagkakamalang magkakambal, kilalanin!



Maraming mga magaganda at talentadong mga artista sa ngayon. Ngunit alam mo ba na ang ilan sa kanila ay mapagkakamalang magkapatid o magkakambal dahil sa mga pisikal nilang katangian na talagang magkatulad. Narito ang ilan sa kanila:

MAINE MENDOZA AT POPS FERNANDEZ




Marahil ay nagulat ka din sa sobrang pagkakamukha ng Phenomenal Super Star at Dubsmash Queen na si Maine Mendoza at ng Concert Queen na si Pops Fernandez.

MIKEE QUINTOS AT ANTOINETTE TAUS



Si Mikee Quintos ay 22 taong gulang na aktres at singer. Lalo siyang hinangaan ng publiko bilang si Lira ng “Encantadia”. Maraming mga netizens din ang nakapansin nang pagkakahawig niya sa dating sikat na aktres na si Antoinette Taus na nakilala noong taong 1992-2004.

SHAIRA DIAZ AT DAWN ZULUETA



Labis labis naman ang tuwang naramdaman ng baguhang aktres na si Shaira Diaz ng ihalintulad ang kaniyang mga larawan sa mga larawan ng batikang aktres at isa sa pinakamagandang artista sa industriya ng show business sa bansa na si Dawn Zulueta.



JANINE GUTIERREZ AT PILITA CORRALES


Ang 30-anyos na si Janine Marie Elizabeth Olson Gutierrez o mas nakilala bilang si Janine Gutierrez ay isang sikat na television host at commercial model. Siya ay apo ng batikang mang-aawit na si Pilita Corrales at talaga namang makikita ang labis na pagkakahawig ng mag-lola lalo na noong kabataan ni Pilita.

GABBY GARCIA AT JOYCE JIMENEZ


Kitang-kita din naman sa mukha ng Kapuso actress na si Gabby Garcia ang kakaibang ganda na hinangaan natin noon sa Pantasya ng Bayan na si Joyce Jimenez na sa ngayon ay masaya nang namumuhay kasama ang kaniyang sariling pamilya sa ibang bansa.



TAKI SAITO AT CAMILLE PRATS


Aakalain mo din namang kakambal ng sikat na host at aktres na si Camille Prats ang 20-anyos na Kapuso actress na si Takako “Taki” Saito na mayroong dugong Japanese-Brazilian.




error: Content is protected !!