Tindero ng lobo na napagtripan noon ng mga kabataan, nabigyan na ngayon ng pangkabuhayang negosyo!



Ikinagalit at ikinadismaya ng publiko ang naging viral na kwento ng isang kawawang tindero noong Pebrero. Ayon sa ilang mga ulat ay namamahinga noon ang tindero ng mga lobo na si Oliver nang bigla na lamang siyang mapagtripan ng mga kabataang lalaki sa Pandacan, Maynila.



Sinunog nila ang mga paninda niyang mga lobo na naging dahilan nang pagkakalapnos ng kaniyang balat. Nagtamo siya ng mga lapnos sa kanang braso at talaga namang lumubo ito ng husto.

Napakalaking perwisyo ang nangyari ng mga panahong iyon lalo na at mayroon din sariling pamilya si Oliver na kaniyang binubuhay. Nais niya sanang sampahan ng kaso ang mga kabataang ito ngunit naawa siya sa mga magulang nitong nagmamakaawa rin sa kaniyang huwag nang ituloy ang binabalak niyang pagdedemanda.


Ngunit nang lumapit siya sa programa ni Raffy Tulfo ay pinayuhan siya ng mga ito na ituloy na ang kaso upang matuto ng leksyon ang mga taong gumawa sa kaniya nito. Maging ang sikat na alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno ay nagpahayag din ng kaniyang simpatya sa hindi magandang sinapit ng kawawang balloon vendor na naghahanap-buhay lamang para sa kaniyan pamilya.



Magandang balita naman ang bumungad ngayon sa maraming mga netizens dahil sa wakas ay nakarecover na rin siya mula sa mga lapnos na kaniyang natamo. Nabigyan na rin siya ng pangkabuhayang negosyo ng programa ni Raffy Tulfo para sa kaniya at sa kaniyang pamilya.



Mayroon na siya ngayong sarili niyang sari-sari store sa kanila mismong tahanan. Maliban dito ay napagkalooban din siya at ang kaniyang pamilya mv isang food cart business na talagang patok na patok sa mga tao.

Sinong mag-aakala na sa dinami-rami ng mga bagay na naranasan niya at patuloy niya pang nararanasan dahil sa hirap ng buhay ay mayroon pa din palang darating na napakagandang biyaya at pagpapala mula sa Diyos.




error: Content is protected !!